KABANATA 47

2 0 0
                                    

KABANTA 47 - Ang Dalawang Senyora

Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal upang tingnan ang bahay ng mga Indio.

Naiinis ang Donya sa tuwing hindi nagbibigay galang sa kanya ang mga nakakasalubong. Dahil dito'y inutusan niyang mamalo ng sumbrero ang Don ngunit 'di ito sumunod dahil daw sa kanyang kapansanan.

Nang mapadaan sila sa bahay ng Alperes ay saktong nadoon si Donya Consolacion at nagtama ang kanilang paningin ni Donya Victorina. Parehong matalim ang tingin ng bawat isa. Dumura pa ang may bahay ng Alperes na lalong ikinayamot ni Donya Victorina kaya sinugod niya ito at nagkaroon ng balitaktakan. Filmora
Inalipusta ni Donya Victorina ang Alperes habang si Donya Consolacion naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap ng asawa ni Donya Victorina.

'Di rin pinaligtas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon kaya kinuha nito ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit 'di na nagpang-abot ang dalawang Donya dahil namagitan ang kani-kanilang mga asawa.

- Nakita ng taong-bayan ang mga pangyayari dahil ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Ang kura din ay dumating upang awatin ang dalawa. Dito'y sinagot siya ng Alperesa at tinawag na 'mapagbanal-banalang Carliston'.

'Di naman sinunod ng asawa ni Donya Victorina ang utos nito na hamunin ng barilan png Alperes. Dahil sa pagtanggi ng Don ay nahablot na naman ng Donya ang kanyang pastiso.

Ilang sandali lang ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang magasawang de Espadaña. Doon ay nakita nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito.

Napagbalingan ni Donya Victorina ang binatang si Linares at inutusan ito na hamunin ang Alperes dahil kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao.

Hindi malaman ni Linares ang gagawin kaya humihingi na lamang ng paumanhin sa Donya. Siya namang pagdating ng Kapitan.

Agad siyang sinalubong ni Donya Victorina at nagdadaldal tungkol sa mga nangyari. Inipit pa ng Donya si Linires na nagsabing kung hindi gagawin ng binata ang kanyang pinag-uutos ay marapat lamang na walang kasalang magaganap dahil hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag.

Dahil sa mga narinig mula sa Donya ay nagpahatid na sa silid si Maria Clara. Dala ang ilang libong piso na satepang bayad ni Kapitan Tiyago sa panggagamot ni Don Tiburcio kay Maria Clara ay umalis na ang mag-asawang de Espadaña.
Samantala, si Linares ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now