KABANATA 44

2 0 0
                                    

KABANATA 44 - Pagsusuri sa Budhi

Mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at sa tuwing ito'y magdedeliryo ay binabanggit ng dalaga ang pangalan ng kanyang ina. Sina Tiya Isabel naman kasama ng kanyang mga kaibigan ay patuloy siyang inaalagaan samantalang si Kapitan Tiyago ay walang tigil na nagpapamisa at nagaabuloy. Ang pinakahuli ay ang pagbibigay niya ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.
Makaraan ang ilang araw kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria Clara.

Ito'y ikinatuwa ng mag-asawa kaya naman hindi muna pinagdiskitahan ng Donya si Tiburcio.

Napag-usapan nina Padre Salvi, Kapitan Tiyago at mag-asawang Espadaña na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ani Kapitan Tiyago, ikalulungkot umano ni Maria ang nalalapit na pagkakalipat sa pari dahil para na rin niyang ama ito. Dagdag pa niya, bunga ng mga kaguluhan sa nangyari noong gabi ng pista ang dahilan ng pagkakasakit ng dalaga.

Natuwa naman ang pari na ayon sa kanya ay mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Ito nama'y sinalungat ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. 'Di naman nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot.

Dahil sa pagkapikon ay iminungkahi ni Donya Victorina na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakababanas na si Donya Consolacion. Dito'y wala nang naisagot ang pari kaya naman tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tiyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling.

Oras na para uminom ng gamot si Maria. Ininom niya ang pildoras na mula sa bumbong ng Kristal na ititigil lamang ng dalaga kapag nakaramdam na ng pagkabingi.

Samantala, nalaman naman ni Maria kay Sinang na kaya hindi pa makasulat sa kanya si Ibarra ay dahil abala ito na mapawalang bisa ang kanyang pagiging ekskomulgado.

Maya-maya pa'y dumating na si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.

Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya ay tila halata kay Padre Salvi na hindi ito makikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig sa dalaga na para bang inaalam ang nasa isip nito.
Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan, at kagat-labi.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now