KABANATA 55

1 0 0
                                    

KABANATA 55 - Ang Pagkakagulo

Oras na noon ng hapunan ngunit ayaw kumain ni Maria Clara kaya nagdahilan na lamang siya na walang ganang kumain. Niyaya niya ang kanyang kaibigan na si Sinang sa piyano at doon ay nagbulungan ang dalawa. Hindi mapakali ang magkaibigan sa paghihintay kay Ibarra na darating sa ika-walo ng gabi. na Si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa may bulwagan samanatalang kasalukuyang kumakain noon si Linares. Ipinagdarasal ng magkaibigan na umalis na sana ang "multong" si Padre Salvi.

Nang sumapit ang ika-walo ay napaupo sa isang sulok ang pari. Iyon kasi ang nakatakdang oras ng paglusob sa kumbento at sa kwartel. Ang magkaibigang Maria at Sinang naman ay hindi malaman ang gagawin.

Nang tumunog ang kampana, silang lahat at tumayo para magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na luksang-luksa ang suot. Tinangka pa siyang lapitan ni Maria ngunit biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.

Hindi makapagsalita si Ibarra na napapatda. Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng haligi. Panay ang dasal ni Tiya Isabel samantalang ang magkaibigang Sinang at Maria ay nagyakapan na lamang.

Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay narinig ang putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. Samantala, ang mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay ang sigaw ng, "Tulisan... Tulisan..." Kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan ay nagpatuloy lamang ang putukan at silbatuhan.

Nang matapos ang putukan ay pinapanaog ng Alperes ang kura. Si Ibarra ay nanaog din samantalang ang magkaibigan ay pinapasok ni Tiya Isabel sa silid. Hindi na nakapag-usap ang magkasintahan. Mabilis na naglakad si Ibarra patungo sa kanyang bahay.

Pagdating sa bahay, inutusan agad ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Sa gabinete ay isinilid niya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasulatan at larawan ni Maria. Isinukbit din niya ang dalawang rebolber at isang balaraw.
Paalis na sana siya ngunit bigla na lamang itong nakarinig ng malakas na pagputok sa pintuan at tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit mas piniling bitawan ang kanyang baril at buksan ang pinto. Isinama siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.

Samantala, sa kabilang dako naman ay gulong-gulo ang isip ni Elias. Pumasok siya sa bahay ni Ibarra ngunit parang sinusurot ang kanyang sariling budhi. Naaalala kasi niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Tila ba lahat sila ay tinawag siyang duwag.

Pagpasok sa bahay ay nadatnan niya ang katulong ni Ibarra na naghihintay sa kanilang amo. Nang nalaman niya ang sinapit ni Ibarra ay nagkunwari na siyang umalis. Ngunit ang totoo ay umakyat ito sa bintana patungo sa gabinete.

Doon ay nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Kinuha niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako saka inihulog sa bintana. Nakita niya ang pagdating ng mga sibil. Isinilid niya sa isang supot ang larawan ni Maria pagkatapos ay nagtipon ng mga damit at papel. Binuhusan niya ito ng gas at saka sinilaban.

Samantala, ang mga kawal ay nagpupumilit na pumasok. Ayaw silang payagan ng katiwala dahil wala silang pahintulot mula sa kanyang amo. Mapilit ang mga ito kaya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Ngunit ng makarating sa gabinete ay sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy. Saka nagkaroon ng malakas na pagsabog kaya dali-daling umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now