KABANATA 53

2 0 0
                                    

KABANATA 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ay kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Ayon sa paniniwala ng mga puno ng kapatiran ni San Francisco ay may dalawampu ang nakitang kandila na sinindihan. Kahit na malayo ang bahay sa libingan ay sinabi ni Hermana Sepa na panaghoy at paghikbi ang kanyang narinig. Samantala, sa pulpito nama'y binigyang diin ng pari sa kanyang sermon ang tungkol sa mga kaluluwa sa purgartoryo.  Ang mga usapang iyon ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na ilang araw nang nanghihina.

Nabanggit ng Don na tinanggap na umano ng Alkade ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin. Dahil dito'y 'di mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ng Don ay hindi nararapat at napapanahon.

Aniya, sa panahon ng digmaan ay dapat na manatili sa kanyang tao ang puno. Dagdag pa niya, iba na talaga ang batan dalsvangers iare na alig nakalilipas. Nakikita na daw ang naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europa at ang pagdayo narian ng mga kabataan sa Europa ay dama na rin.

Dagdag pa ng Pilosopo, noong una, ang mga kabataang nakapag-aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na itinuturing na enerhiya.

May kakayahan na rin daw ang tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan naman daw ay nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga maka-agham na pagsubok. Hindi na rin kayang pigilan ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan.

Marami pang palitan ng kuro-kurong naganap sa pagitan ng dalawa. Kabilang na diyan ang tungkol sa bayan at sa kahihinatnan nito, sa relihiyon, ugali ng mga binata at dalaga at ng mga naglilingkod sa simbahan.

Pamaya-maya pa'y tinanong na ng Don ang Pilosopo kung ito daw ba'y hindi nangangailangan ng mga gamot dahil napansin niyang hinang-hina na ito.

Tinugon siya ng at sinabing ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan niyon. - Ipinakiusap din niya kay linn Filipo na sabihan si Ibarra na makipagkita sa kanya dahil - malapit na daw siyang mamatay. Sa kabila ng sakit ng matanda ay ang bayan pa rin ang kanyang inaalala. Naniniwala siyang tumatahak pa rin sa karimlan ang Pilipinas
'Di nagtagal ay nagpaalam na rin si Don Filipo.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now