KABANATA 46

1 0 0
                                    

KABANATA 46 - Ang Sabungan

Sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol ay hindi mawawala ang sabungan. Sa San Diego man ay may sabungan na katulad ng sabungan sa ibang mga bayan.

Ito'y nahahati sa tatlong bahagi. Una ay ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang tagasingil sa bawat isang pumapasok sa sabungano.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang ulutan kung saan naroon ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Malapit ito sa isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Nagaganap dito ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap.

Ang ikatlong bahagi naman ay ang ruweda na siyang pinagdarausan ng mga sultada. Dito naka-pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. - Ilan lamang sina Kapitan Tiyago, Kapitan Basilio at Lucas sa mga taong naparoon sa sabungan
ng araw na iyon. Dala ng tauhan ikapitishaaga ang isang malaki at puting lasak na manok samantalang kay Kapitan Basilio ay isang buli na.

Nagkamustahan muna ang magkaibigan bago magsimula ang sabong at pustahan. Pagdaka'y nagkasundo sa halagang tatlong daang piso ang kanilang pusta. Naging matunog naman sa mga taong
naroroon ang ginawang pustahan kaya naki-pusta na rin ang iba pang mga sabungero.

Lumalabas na dehado ang pula at llamado naman ang puti. Naiinggit ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Sila'y lumapit kay Lucas upang manghiram ng pera upang may maipang-sugal ngunit mayroong kondisyon si Lucas.

Ito ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba upang mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas ay hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan.

Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid dahil kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kaya higit silang nanghinayang. E Dahil sa tawag ng sugal ay 'di na nakatiis ang magkapatid lalo pa't umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon; ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.

Dahil dito'y lumapit na sila kay Lucas kasabay ng pagsang-ayon sa kanyang kondisyon. Sinabihan sila ni Lucas na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan. Ang utos ay kanilang matatanggap sa ika-walo ng gabi nang ikalawang araw. Matapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now