LIHAM RETRAKSYON

1 0 0
                                    

Liham Retraksyon ni Jose Rizal

Sa kabila ng mga agam-agam kung si Rizal nga ba ay pumirma ng isang retraksiyon sa panahong siya ay namamalagi sa Fort Santiago ilang oras bago itinakdaang kanyang kamatayan, nais ipabatid ng may-akda na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matiyak ng mga dalubhasa sa Kasaysayan ng Pilipinas ang katotohanan ng nasabing dokumento.

Ito’y sa kadahilanang kahit na may mga dokumentong nagpapatunay na si Rizal ay gumawa ng isang retraksiyon, ito ay pinagdududahang minaniobra lamang ng mga prayle upang lituhin ang sambayanang Pilipino at sirain ang pangalan ni Rizal. Walang pagdududang may mga detalyeng di kanais-nais at hindi angkop sa pagkatao ni Rizal ang dokumentong naglalaman ng nasabing retraksiyon. Sa pagsusuri ng mga eksperto may mga bersiyong dinagdagan at meron din naman kulang ang mga nilalamang salita. Maylagda at naaayon nga sa estilo ng pagsusulat ni Rizal ang pagbawi subalit ito’y may bahid pamemeke at di makatotohanan.

Ayon kay Dr.Purino (2008), ang retraksiyon ni Rizal ay nagging kontrobersyal at iba-iba ang palagay ng mga manunulat. Naging hati ang pananaw na ito lalo na sa mga katunggaling paniniwala ng dalawang panigang mga Katolikong Rizalista nananiniwalang si Rizal ay gumawa ng isang Retraksiyon at ang mga Masonistang Rizal nananinindigang hindi binawi ni Rizal ang kanyang mga isinulat ukol sa simbahang Katoliko at pamahalaang Kastila.

Mas lalong nadagdagan ang usaping retraksiyon sa paglitaw ng isang dokumento noong 1935 na di umano’y naglalaman ng totoong retraksiyon ni Rizal sapagkat ito’ynagdulot ng panibagong anggulo sa nasabing usapin.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Touch Me NotOn viuen les histories. Descobreix ara