KABANATA 57

1 0 0
                                    

KABANATA 57 - Vae Victus! Sa Aba ng mga Manlulupig

Halata sa mga gwardya sibil na sila ay balisa. Pinagbabanataan nila ang mga batang panay ang silip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Makikita din doon ang alperes, direktorsillo, si Donya Consolation at ang kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ika-siyam ay dumating ang kura at tinanong sa Alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parang batang umiiyak na may dugo ang salwal.

Doon ay hinarap sa kura ang dalawang natirang buhay na nabihag ng mga sibil.
Pilit na itinatanong sa bihag na si Tarsilo Alasigan kung may kinalaman si Ibarra sa nasabing paglusob. Iginiit nito na walang alam si Ibarra at ang dahilan ng kanilang paglusob ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil.

Dinala si Tarsilio sa limang bangkay at nakita niya doon ang kanyang kapatid na si Bruno na tadtad ng saksak, si PedroP na asawa ni Sisa at si Lucas na may tali pa ng lubid sa leeg. Panay ang pagtatanong sa kanya ngunit tahimik lamang ito. Dahil dito'y ipinag-utos ng Alperes na paluin siya ng hanggang sa magdugo ang buong katawan.

Hindi nila mapaamin si Tarsilio kaya ibinalik nila ito sa bulwagan. Nadatnan niya doon ang isang bilanggo na nagpapapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Tinanong muli si Tarsilio kuno kilala niya ang lalaking bilanggo ngunit sumagot itong noon lamang niya nakita ang lalaki.

Dahil dito'y pinagpapalo na naman si Tarsilio hanggang sa mabalot ng dugo ang buo niyang katawan. Hindi na nakayanan ng kura ang mga nakita kaya lumabas na lang ito ng bulwagan ng namumutla.
Sa labas ay nakita ng kura ang isang dalaga na parang nagbibilang ng mga naririnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Siya pala ay kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo.

Nagngitngit ang Alperes na binulungan ng kanyang asawa na lalo pang pahirapan ang binata ngunit hiniling na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. - Wala silang makuha na kahit anong impormasyon mula sa binata kaya ito ay itinumba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Dito na nalagutan ng hininga si Tarsilio. Nang makitang patay na ang binata ay binalingan naman ang isa pang bilanggo.

Ang bilanggong nabanggit ay si Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawas dahil pinapakain siya ng bulok ng biyenan nito. Inantok ang alperes sa sagot ni Andong kaya ipinag-utos niyang ipasok na lang muli sa karsel ang bilanggo.

Touch Me NotHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin