TEORYANG KULTURAL

2 0 0
                                    

Teoryang Kultural

- Ito ay nagpapaliwanag ng kaugnayan ng kultura sa kalikasan at sa lipunan.

- Sa pakahulugan ng Dictionary of Sociology(2017), ang kultura ay proseso ng pagtuklas ng kagandahan ng buhay. Sa pamamgitan umano ng pag-aaral ng ating kultura ay makapgdudulot ito ng pagbabago sa ating lipunan.

- Sa ideolohiya ni Antonio Gramsci, ang kultura ay nagpapatibay ng paniniwalang moral at kapangyarihang politikal ng isang lipunan. Nabuo ng Gramsci ang cultura hegemony na nagsasabing upang mapayapang mapamunuan ang isang lipunan, kailangang mapatatag ang kultura at mapahalagahan ang paniniwala, kaugalian, at ng isang bansa

- Inilalarawan ng teoryang kultural ang paniniwala, tradisyon, pamumuhay at kaugalian ng pinagmulang lahi ng akdang binigyang-pansin.

- Napasakamay natin ang Noli Me Tangere dahil narin sa impluwensya ng mga akdang nabasa ni Rizal.

- Noli Me Tangere, ang aklat na ito ay hango sa pangyayari sa Bibliya tungkol sa Hudyong si Ahasuerus(kilala rin bilang Samuel Belibet) na nag-iinsulto kay Hesus habang paakyat siya sa burol ng Golgotha. Dahil dito, pinarusahan siyang maglakad habambuhay.

- Ayon kay Joseph Jacobs(2013), ang konsepto ng pagiging immortal ni Ahasuerus ang pangunahing nagging impluwensya nito sa panitikan.

- Sa akda ni Pink Hamper(2012), ang paghahambing sa isang malalang sakit bilang metapora ang isa sa mga nakita ni Rizal sa akdang The Wandering Jew.

- The Wandering Jew, tinalakay sa nobelang ito ang epidemya ng kolera na nadadala ng protagonist saan man siya mapunta.

- ipinakit ni Rizal sa kaniyang nobela ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Pilipino sa ating bansa. Maraming Indio ang naging salipin at nakaranas ng pang-aabuso at karahasan.

- Nagresulta ito ng paghahangad ng kalayaan sa kamay ng mapang-abusong dayuhan. Kapansin pansin sa ilang kabanata ang paggamit ni Rizal sa ilang saknong ng awit na karaniwang pumapaksa sa pangangaral ng magulang sa kaniyang anak. Sa bahagi ng kabanatang ‘Suyuan sa Asotea”, nagamit ni Rizal ang mga gintong aral ni Balagtas.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now