KAHALAGAHAN

1 0 0
                                    

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Noli Me Tangere

Sa bias ng Republic Act 1425, kailangang isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado, ang kurso sa pag-aaral ng buhay, ginawa at isinulat ni Jose Rizal, kabilang ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kilala rin ito bilang Batas Rizal. Ngunit maliban sa itinakda ng batas, mahalagang mapag-aralan ng kabataan ang mga nobela ni Rizal dahil sa mga sumusunod:

• Maunawaan ng kabataan ang dahilan ni Rizal sa pagsulat nito na ibinahagi niya sa liham na kanyang ipinadala kay Ferdinand Blumentritt. Hinangad niyang mamulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng bansa sa kamay ng mga Espanyol at masolusyonan ang sakit ng lipunan sa pamamagitan ng paggising ng damdaming makabayan sa pagbasa sa akda.

• Mababatid ng mga babasa ang mga pangyayaring naganao sa mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyolat maiugnay ang mga ito sa kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.

• Maisasabuhay ng mga tao ang mga mensaheng hatid ng akda sa bawat kabanata na may ginuntaang aral na mailalapat sa buhay. Isa itong mabisang pagpapaalala at pangngaral sa kabataan sa tunay na pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

• Magsilbing instrument ang pag-aaral ng kabataan sa pagpapaunlad ng ating panitikan sa pamamagitan ng mga gawaing pampaaralan na inaangkop sa kasalukuyang panahon. Matatandaan malaki ang tiwala ni Rizal sa kabataan at inaatang sa inyong mga kamay ang pag-asa ng ating bayan.

Touch Me NotOnde histórias criam vida. Descubra agora