KABANATA 58

2 0 0
                                    

KABANATA 58 - Ang Sinumpa

Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa. Pabalik-balik sila sa kumbento, kuwartel at tribunal. Palibhasa'y wala silang malapitang malakas at makakapitan na makakatulong para palayain ang kanilang mga kaanak na bilanggo. May sakit noon ang kura at ayaw makipag-usap kahit kanino. Nagdagdag ng bantay ang Alperes samantalang ang Kapitan ay lalong nawalan ng silbi.

Sobrang init na noon pero ayaw pa rin umalis ng mga babaeng nagsusumamo. Umiiyak at palakad-lakad ang mag-ina ni Don Filipo. Panay naman ang banggit ni Kapitana Tinay sa pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Pasilip-silip naman sa rehas si Kapitana Maria upang tignan ang kambal niyang anak. Nandoon din ang biyenan ni Andong na walang gatol na ipinangalandakan na kaya hinuli ng mga sibil ang manugang ay dahil bago ang kanyang salawal.

May isang babae namang halos mangiyak-ngiyak ang nagsabi na si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Kasa-kasama rin ng mga tao ang guro samantalang si Nol Juan ay nakadamit pangluksa dahil ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ng isang baka. Sisirain sana at kakalagan ng mga kaanak ng mga bilanggo ang mga hayop na humihila sa kariton ngunit pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawa nila iyon ay mahihirapan sa paglakad ng kanilang mga kaanak na bilanggo.

llang saglit lang ay lumabas ang mga mahigit dalawampung kawal at pinaligiran ang kariton. Kasunod nito'y inilabas ang mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka-ngiti ang asawang si Doray. Nang siya'y yakapin ng asawa ay hinadlangan ito ng dalawang sibil.

Napahagulgol naman ang ina ni Antonio na si Kapitana Tinay ng siya ay makita nito. Napaiyak din si Andong ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong. - Ang seminaristang si Albano ay naka-gapos na mabuti katulad ng kambal ni Kapitana Maria. Si Ibarra na huling lumabas ay walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Namumutla ito ngunit pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukha ng kaibigan.

Biglang umugong ang salitaan ng mga tao ng makita si Ibarra. Kung sino pa daw ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil sa mga narinig ay ipinag-utos ni Ibarra sa mga sibil na igapos siya ng hanggang siko kahit na wala namang ganoong utos ang kanilang pinuno. Pagkatapos nito'y lumabas na nakakabayo at batbat ng sandata ang katawan ng alperes kung saan kasunod niya ang may labinlimang mga kawal na umaalalay sa kanya.

Sa lahat ng mga bilanggo ay pangalan lamang ni Ibarra ang walang tumatawag. Sa halip, siya ay pinagbuntunan ng sisi at tinawag pa ng mga tao na duwag. Halos isumpa rin ng mga tao ang kanyang nuno hanggang siya ay tawagin na nilang erehe at dapat mabitay.

Kasunod nito ay pinagbabato ng mga tao si Ibarra. Naalala niya tuloy ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy.

Kahit na nasa gipit at abang kalagayan si Ibarra ay tila walang ibig dumamay sa kanya. Kahit na si Sinang ay pinagbawalan ding umiyak ni Kapitan Basilio. Sa ganitong kalagayan nadama ng husto ni Ibarra ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan at magandang
kinabuhasan. Maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo mula sa mataas na lugar na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sinundan niya ng tingin ang kariton na sinakyan ng bilanggo. Pagkatapos ay ipinasya na rin niyang umuwi.

Kinabukasan, natagpuan ng isang pastol si Pilosopo Tasyo na nakahandusay sa may pintuan ng kanyang bahay.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now