Chapter 14

2.7K 95 4
                                    

Chapter 14

Halos isang linggo na ang nakakalipas simula nung nagka-girlfriend si Zake. Wala na. Yaan na! Crush ko lang naman e. Kung si Feptz nga halos isang linggo ng bitter. Mahal daw kasi niya.

"Oh? Busangot mukha mo dyan" Sabi ni Kua Vince.

"H-huh? Di naman ah."

"Sus. Kunwari ka pa! Ano yan? Lovelife?"

"WHA-WHAT? Di ah. Grabe ka naman Kuya." Sigaw ko sa kanya at pumuntang kusina.

"Victor oh! Si Vianna. Lumalandi." Sigaw ni Kuya Vince. Sinamaan ko naman siya nang tingin! That guy!

"Umayos ka Amielle Vianna." Sabi ni Kuya Vic habang nag-aayos sa kusina.

"Oo." Mukmok ko!

"Nga pala. Kamusta na si Zake?" Tanong ni Kuya Vince.

Psh. Nasa bahay ka na nga at walang Zake e. Tss! Ano ba yun? Hanggang dito, Zake pa din!

"Ayos naman!" Sabi ko at binuksan yung ref. Kakain na lang ako!

"Bakit mukhang wala ka atang gana ngayon kapag si Zake ang pinag-uusapan?" Tanong ni Kuya Vic.

"Huh? Pinagsasabi mo Kuya? Gutom ka?" Tanong ko.

"Wala. Tss." Sabi na lang niya.

Narinig naman namin ang pag doorbell.

"Vianna, buksan mo yun." Utos ni Kuya Vince.

"Yoko! Ikaw na. Kumakain ako diba?" Sabi ko at sumubo nang Sandwich na may Nutella.

"Tss! Umiiral katamaran mo Vince ah! Ikaw na. Kumakain si Bunso e." Sabi ni Kuya Vic.

Wala naman magawa si Kuya Vince kaya siya na din ang nagbukas. Kaya masarap maging Bunso e. Nagiging spoiled.

"Eh? Haha. Anong ginagawa mo dito Zake?" Sigaw ni Kuya.

Halos mabilaukan naman ako. Si Zake nandito? Eh? Seriously? Haha. Kinurot ko naman sarili ko. Totoo nga! Di panaginip.

"Amielle! May bisita ka. Sus! Kunwari ka pa ah." Asar ni Kuya Vince.

"Oh! Zake. Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Kuya Vic.

"Ah-uh! Napadalaw lang, saka asan si Amielle? May project kasi kami e!" Halos gusto ko nang ibuga yung Sandwich. Project? Wala naman kaming Project ah! Hayop to. Idamay pa pag-aaral ko!

"Sus. Amielle! Hinahanap ka ni Zake. Tama na paglamon dyan! Tumataba ka na oy." Sabi ni Kuya Vince.

"Ingatan mo kapatid ko ah!" Sabi naman ni Kuya Vic. Yung totoo? Anong pinakain ni Zake sa kanila?

Lumabas naman ako nang kusina na may Sandwich pang kagat-kagat sa bibig. Tss! Badtrip. Eh? Ba't ako mababadtrip atleast andito siya? Pero diba may girlfriend siya? Aish. Gulo!

"Amielle. Ubusin mo muna yan!" Sabi ni Kuya Vic.

"Excited ka naman masyado makita si Zake!" Sabi ni Kuya Vince. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

Umakyat na nga ako sa kwarto ko. Bwisit!

"AMIELLE. BILISAN MO AH! MAY BISITA KA NAG-AANTAY!" Sigaw ni Kuya Vic.

Nag-aantay ba? Haha. Edi wow! Pumasok na nga ako sa banyo at naligo. Matapos kong maligo ay sinimulan ko na ang seremonya ko! Minsan lang 'to. Lubusin ko na! Mwahahaha. Halos ilabas ko naman na lahat nang damit ko wala pa din akong mapili. Sht this Closet!

"Amielle. Ang tagal mo naman." Sabi ni Kuya Vic na nasa labas ng pintuan nang kwarto ko.

"Saglit lang"

Wala akong choice kaya naman tinawagan ko na si Joy.

Dialling: Joy..

["Napatawag ka bruha?"]

"Baliw. Andito si Zake sa bahay"

["What? Anong ginagawa niya dyan?"]

"Aba. Malay ko! Nagdahilan pa kay Kuya na may gagawin daw kaming project"

["Aba, aba! Oh. Anong problema?"]

"Kasi naman, wala akong susuotin"

["Sus. Naghahanda talaga ah! Haha. Gento! Sasabihin ko sayo susuotin mo. You know! Fashion"]

"Hahaha. Oo na, oo na!"

["Nagmamadali ka ata masyado Miss Amielle. Saglit lang"]

"Kasi naman, kanina pa naghihintay doon sa baba si Zake"

["Sabihin mo excited ka lang sa date niyo"]

"Date ka dyan, may girlfriend yung tao"

["Sus. Eto na! Hanap ka ng skirt"]

Inipit ko muna yung Cellphone ko sa tenga ko habang naghahanap ng palda.

"Meron na, brown nga lang."

["Okay na yan, tapos hanap ka ng blouse na puti tapos medyo may belt"]

Agad naman akong naghanap ng blouse na puti. Buti na lang meron ako nang mga sinabi niya.

["Tapos. Yung sapatos naman ay white heels. Meron ka ba?"]

"Oo."

["Edi gora na."]

"WAAAAAH! Salamat joy!"

["Anything for you my friend."]

"Sige, sige. Salamat talaga! Mwah"

Nang mababa na ang tawag ay sinuot ko na nga ang sinabi niya. Inayos ko naman yung buhok ko at bongga! Ready to gora. Bubuksan ko na sana yung pintuan nang magbukas din 'to.

"Kaya pala ang tagal mo, nagpaganda ka pa talaga. Nako! Bilisan mo at inaantay ka." Sabi ni Kuya Vince.

Nang makababa ako sa sala ay tumayo naman si Zake at ngumiti. Eh? Ngumiti ba talaga siya? Haha. Peke yun Amielle, wag kang umasa.

"Oh. Ingatan mo yan! Aral mabuti." Sabi ni Kuya Vic.

"Sus. Enjoy sa date." Sigaw ni Kuya Vince. Sinamaan ko naman siya nang tingin.

Nang makalabas kami nang bahay ay nakasalubong naman namin si Feptz na papasok sa gate namin. Hala!

"Ah-uh! Amielle. Saan kayo pupunta?" Tanong niya.

Inakbayan naman ako ni Zake. Ano ba talagang nakain nito? Saka. Diba may girlfriend siya? Baka mamaya magalit sa akin yun e.

"Lalabas lang." Sagot naman ni Zake.

Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta diba? Bigla na lang siyang susulpot sa bahay tapos hahanapin ako at sasabihin sa mga Kuya ko na gagawa ng project kahit wala naman. Ugh! Spell Zake? Mahirap i-spell! =,=

"Uh? G-ganon ba? I-ingat!" Sabi ni Feptz. Omg! Di man lang ako makapagsalita. Hays! Alam ko ng may gusto si Feptz tapos hinahayaan kong gawin 'to sa harap niya.

"Mauna na kami ah." Paalam naman nitong si Zake. Sumakay naman ako sa kotse niya at naiwan si Feptz. Sorry Feptz!

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon