Chapter 28

2K 57 10
                                    

Chapter 28

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa hospital. Halos puti lahat ng nakikita ko, halos nag-hahabol ako ng aking hininga. Napatingin naman ako sa pintuan. Bumukas ito at pumasok si Joy.

Agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako. "Okay ka lang ba? Hindi ko alam na gagawin sa iyo ni Feptzam ang bagay na yun." Sabi niya at umalis sa pagkakayakap.

Tinignan ko naman siya. "Paano ako nakarating dito?" Tanong ko.

"Hindi mo alam kung sino nag-ligtas sa'yo? Hindi mo nakita?" Tanong niya.

Hindi ko nga alam na maiiligtas at madadala pa ako sa hospital e. Nung oras na 'yun hindi na ako umaasa. Wala ako'ng inaasahan na mag-ligtas sa akin.

Umiling naman ako. "Hindi ko kilala." Sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang baba ko.

"As in?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"As in. Hindi naman ako nagka-amnesia no. Nalunod lang ako pero nung sinagip ako nung taong sinasabi mo nakapikit na 'yung mata ko----"

"Its Zake, Amielle. Si Zake ang lumusong para kunin ka." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Si Zake?

Bakit naman gagawin ni Zake iyon? Tanga ka talaga Amielle. Syempre naman kahit sinong mapapadaan doon ililigtas ka. Nasaktuhan lang na si Zake iyon.

"Meron pa ngang galit na galit kay Feptzam na lalaki e. Hindi ko kilala basta nagalit siya kay Feptzam." Sabi pa ni Joy. Sino naman kaya yun?

"Kahit naman siguro ibang tao magagalit sa ginawa niya. Hindi na makatao yun." Sabi ko dito at huminga ng malalim. Thank God! Hindi mo po ako pinabayaan.

Lumingon naman ako sa paligid. "Bakit wala sila Kuya?" Tanong ko.

"Gusto mo ba malaman ng Kuya mo 'to? Panigurado baka ilibing nila ng buhay si Feptzam sa ginawa niya sa'yo." Sabi niya at umupo sa monoblock na katabi ng kama.

"Hindi pa nila alam?" Tanong ko.

Sasagot sana si Joy nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang dalawa kong Kuya kasama si Zake na halata mong basa pa. Hindi pa din siya nag-papalit?

"Amielle!" Tawag ni Kuya Victor sa akin at agad akong niyakap.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka lumaban?" Tanong ni Kuya Vince. Mukhang alam na nila ang nangyari.

"Sino nag-sabi sa inyo? Kuya?" Tanong ni Joy.

"Ako." Sabi ni Zake.

Napatingin naman ako sa kaniya. Habang si Joy naman at hinampas ito sa braso. "Bakit mo sinabi?" Tanong ni Joy.

Lumingon naman si Kuya Vince kay Joy. "Bakit Joy? Wala ka bang balak sabihin sa amin ang nangyari kay Amielle ha?" Tanong nito.

Umiling naman si Joy. "Hindi sa ganun Kuya Vince. Eh baka kasi mamaya sumugod kayo kay Feptzam." Sabi ni Joy at yumuko.

Agad ko naman inawat si Kuya Vince. "Hindi niya kasalanan Kuya. Kaibigan pa din namin si Feptzam kaya iniisip din siya ni Joy. Sinubukan akong tulungan ni Joy noon, ang kaso hinarangan siya ng mga kaibigan ni Feptzam. Wag ka na magalit sa kaniya. Iniisip niya lang ang mga kaibigan niya." Sabi ko at tumingin sa kay Kuya Vince.

Umalis naman na sa pagkakayakap sa akin si Kuya Victor. "Hindi pa din tama yung ginawa niya. Alam niya na hindi ka marunong lumangoy Amielle." Sabi nito.

"She takes advantage of that noob." Sabi ni Zake at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa saka naman sumandal sa pader.

Bumuntong hininga naman ako. "Oo na." Sabi ko at nahiga sa kama.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon