Chapter 42

1.1K 27 2
                                    

Chapter 42

Sumikat ang araw na halos kulang ang tulog ko dahil sa nangyari kagabi. I mean, walang nangyari sa amin ni Zake. Wala kaming balak gawin yun. No, no.

Umupo ako galing sa aking pagkakahiga. Shit, hindi ko talaga aakalain na makakatabi kong matulog si Zake. Hindi niya ako pinaalis sa bisig niya kagabi. Nakakahiya tuloy kay Joy baka mamaya nakita niya kami at masabi nanaman na walang forever.

Napangiti ako sa kawalan, ang peaceful lang tingnan ni Zake habang siya'y mahimbing na natutulog. Ang kinis-kinis ng mukha niya at wala kang makikitang bakas ng anuman. Sana all.

"Matutunaw ako." Halos pabulong niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko.

"Gising ka na?"

"Yep, kanina pa." Sabay kamot niya sa kaniyang nose line.

Gulp. Bakit ang aga-aga ang hot agad?

Nagulat naman ako nang bigla niya akong pinitik sa noo at inilapit ang kaniyang mukha.

"Stop daydreaming. Pwede naman 'e." Sabay ngisi sa akin.

Hindi napigilan ang sarili kundi kagatin ang kaniyang braso. Shit! Nakakagigil.

"Kailan nga pala tayo uuwi?" Tanong ko.

"Mamayang madaling araw, ugh." Sabay hawak niya sa kaniyang ulo.

Hinawakan ko naman agad iyon. Hang over.

"Kiss mo, para mawala." Then he playful smile.

"Hindi ako uto-uto." Saka ko siya binelatan.

"Stop doing that, you're not a kid."

Ngumuso ako panandalian.

"Nagpapa-cute lang." Casual kong sagot.

"Don't need to do that, you're already cute for me, nag-mumukha ka lang unggoy." Then he laugh.

Tumingin naman ako sa kaniya ngunit walang emosyon. Kailan pa siya natuto mang-asar?

"Mas mabuti pang tahimik ka, kesa ngayon, kung ano-ano pinagsasabi mo."

"I'm just joking baby." Then he partly kissed me on my cheeks.

"Do you want to eat breakfast? Para mawala yung sakit ng ulo mo." Sabi ko sa kaniya.

He nodded. Napansin naman niyang parang hindi pa nagigising si Joy sa ingay naming dalawa.

"I forgot about Joy. Baka mahuli ka niyang nandito." Sabi ko.

"Yeah, right."

Tumayo naman siya. Ganon din naman ako at pumunta sa banyo saglit. Shit lang. I forgot to brush my teeth bago makipag-usap kay Zake. Omy! Naamoy niya ang morning breath ko. Nilagay ko ang aking kamay sa aking bibig saka ko ito hinipan at inamoy. It's good. Thank, god.

Nag-simula na ko sa aking mga siremonyas at saka nag-ayos na din. Mabuti na lang nasa loob ng banyo ang aking luggage sa mga underwear at hindi ko na kailangan pang lumabas.

"Are you done?" Tanong ni Zake sa labas.

"Yes,"

Lumabas naman na ako at nakita kong maayos na din ang itsura niya.

"Bumalik ka sa kwarto niyo?" I asked.

"Hindi pa ako lumalabas. Ginamit ko lang yung tubig sa tumbler mo para makapag-hilamos."

"Eh, saan ka nag-buhos?" Confused kong tanong.

"Sa paso," Sabay turo niya sa isang halaman na sa gilid ng pintuan.

My SeatmateWhere stories live. Discover now