Chapter 16

3K 93 3
                                    

Chapter 16

"Ang tanga mo talaga Amielle." Bulong ko sa sarili ko.

Nandito ako sa rooftop. Mukhang napapadalas na nga e. Hays! Di ko pa din makalimutan yung nangyari nung weekend. Bakit? Tss.

Flashback..

Hinatid nga ako ni Zake sa bahay nila Joy. Pagdating ko doon ay umiiyak si Feptz at nagtatampo sa akin.

"Nagtatampo talaga ako sayo Amielle." Sabi niya at pinunasan ng tissue ang mukha niya.

"*Sigh* Sorry naman na Feptz. Sabi kasi niya sa akin. Ako daw sasama sa Debut ng pinsan niya"

"Edi ibig sabihin. Ikaw ang kadate niya non ah?" Sigaw niya.

"Feptzam. Hayaan mo si Amielle, siya gusto ni Zake e. Saka! Sabi nga ni Amielle. Busy si Drea! Eh. Alam mo ng mag-kaibigan na sila ni Zake diba?" Sabi naman ni Joy.

"Kelan pa? Ha." Sigaw nanaman ni Feptz.

"Feptz. Umayos ka nga! Dahil lang sa lalaki nagkaka-ganyan ka!" Sabi ni Joy. Pinigilan ko naman si Joy!

"Ok lang Joy."  Sabi ko.

"Ipangako mo sa akin Amielle. Hindi ka magkakagusto kay Zake."

Halos gusto ko naman mabingi sa narinig ko. Huh? Magagawa ko ba yun? Eh. Matagal ko na siyang gusto!

"ANO BA FEPTZ! BATA KA BA TALAGA HA! ANG PANGET MO MAG-ISIP!" Sigaw ni Joy at nagwalk-out.

"May nagawa ba akong mali?" Tanong niya.

"Pagiging selfish mo. Pero dahil kaibigan kita! Sige. Pagbibigyan kita." Sabi ko. Lumapit naman siya sa akin pero umiwas ako.

Napaka-selfish niya!

End of Flashback..

"Ok ka lang talaga Joy?" Tanong ko nung makatabi na sa akin si Joy. Hindi talaga kami nagpapansinan ni Feptzam kahit si Zake.

"Oo. Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa isip ni Feptz at naging ganon siya."

"Ginawa ko na lahat ng kaya ko. Iniwasan ko talaga si Zake." Sabi ko.

"Tara na nga! Mamaya na yang problema na yan." Sabi niya at tumayo na.

"Lika na nga!" Sabi ko at sumabay na sa kanya mag-lakad.

Pumunta na lang kami sa Rooftop. Dalawa kasi ang rooftop dito. Yung isa ay pag-mamay-ari na nila Justine Scott. Ito naman ay kay Zake Lacuesta. Hayop yun!

"Z-zake. Pleaseee..."

Huh? May kasama si Zake sa rooftop at umiiyak yun.

"Sino yun?" Tanong ni Joy. Kibit-balikat na lang ako. Aba! Malay ko.

"Ano ba! Psh. Ang kulit mo din no! Ayaw ko nga diba? Asan ba si Amielle?" Sigaw ni Zake.

"Wag mong sabihin na si Feptz ito" Bulong ni Joy.

"G-galit siya s-akin. Galit ako sa kanya! Ba't siya pa? Ha? Gusto mo ba malaman 'to ni Drea ha?" Sigaw ni Feptz.

"Sabihin mo! Wala akong pakielam. Magkaibigan lang kami ni Amielle. Ay! Peste!" Sigaw ni Zake.

"Psh. Ganyan na siya kadesperada?" Bulong ni Joy.

"Zake pleaseeee. Be mine."

"Leave this rooftop or else!" Banta ni Zake.

"Zake!"

"I SAID LEAVE THIS ROOFTOP!" Sigaw niya.

Napaatras naman kami ni Joy ng bumukas ang pintuan ng Rooftop. Nakita namin si Zake na naka-fist habang si Feptz ay mukhang nagulat.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon