Chapter 41

1.2K 29 3
                                    

Chapter 41

"Are you happy?" Tanong ko kay Joy.

Tumango naman siya bilang sagot.

"Oo. Ikaw ba?" Aniya.

"Oo."

"Sayang lang at wala si Feptz. Pero ano pa nga ba? Siguro hindi pa din niya narerealize mga ginagawa niya. I miss her pero nang gawin niya sa akin iyon. Parang nakalimutan niyang kaibigan niya ako."

Tinap ko naman ang kaniyang balikat.

"Enough na 'yung drama. Mas mabuti pa, mag-enjoy tayong dalawa. Gusto mo zip line?" Masayang sabi ko sa kaniya.

Umiling naman siya.

"No, Amielle, alam mong takot ako sa heights."

"It's better to face your fears." Sabay hatak ko sa kaniya.

"Ayaw ko..."

"Sige na, please?"

"Ayaw, takot nga ako." Sabay bawi sa palapulsuhan niya.

"Ang kj." Sabay simangot ko.

"E, alam mo naman hindi ko hilig yan. Hindi naman ako tulad ni Feptz, e."

Tumango naman ako. "Oo na, oo na, lagi mo na lang bukambibig si Feptz. Pwede kahit ngayon lang Joy, kalimutan natin siya. Wag muna natin siya isipin."

"Parang hindi mo naman siya naging kaibigan."

"Alam ko, pero kaya nga tayo nandito para mag-enjoy. E, anong ginagawa mo? Iniisip mo siya, hindi ka naman niya iniisip. Ni hindi ka niya kinokonsidera na kaibigan niya e."

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Huminga naman ako nang malalim.

"Hindi kita gustong saktan sa sinabi ko. I'm sorry, kaya nga ginawa ni Zake itong bakasyon na 'to para sa atin e, please? Wag muna natin siya isipin."

Ngumiti naman siya ngunit alam mong hilaw na ngiti.

"Oo na, mag-eenjoy na."

"Tara, zip line?"

"Are you joking me?"

"Joke lang, ito naman. Kami na lang ni Zake mag-zizip line"

"Lagi mo naman akong pinagpapalit. Sanay na ako." Pag-iinarte ng babaeng ito.

Kinurot ko naman siya sa pisngi. "Halika na, ang sexy sexy mo e." Sabay tawa ko.

"Che!"

Naglakad naman kami ni Joy papunta kila Zake na ngayon ay masayang nag-lalaro sa buhangin. Binabaon nila si Karl. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti. Just, woah! Hindi ko alam na may ganitong side si Zake. Hindi ko alam na friendly pala siya when it comes to Blake and Karl. Kahit na may ginawa sa kaniya si Karl, hindi siya iyong lalaking walang balls. I mean, yung lalaking pinapalaki ang gulo dahil sa babae.

"Oy! Tulo laway ka na." Sabay hawak sa baba ko.

"Kahit kailan ka!"

"Haha, love-love, Amielle." Sabay yakap ni Joy.

Pinag-pagan naman ni Blake ang katawan dahil sa buhangin na nakadikit sa kaniyang mga damit. Ganon din naman si Zake.

"Anong balak niyong gawin?" Tanong ni Karl habang nakahiga sa buhangin.

"Kayo? Palubog na ang araw oh." Sagot naman ni Joy.

"Ano bang pwede gawin dito? Mag-boating kaya tayo?" Suggest ko.

"Sure. May speed boat doon sa may resort." Sabi ni Blake.

Nang makarent na nga sila ng speed boat ay sumakay na kami. Si Blake at Karl naman ay mas gusto na mag-surfing habang hinihila ng speed boat namin.

My SeatmateWhere stories live. Discover now