Chapter 10

2.7K 101 5
                                    

Chapter 10

Amielle's POV

Huminto yung kotse sa isang malaking bahay. Let me rephrase it, isang malaking MANSYON! Oo mansyon. Akala mo isang malacañang!

"Baba!" Sabi nya at bumaba na. Grr! Ang sama talaga!

Bumaba naman na ako sa kotse at sumunod sa kanya..

"Pasok mo na lang." Sabi nya dun sa guard at binigay yung susi ng kotse. Sungit talaga kahit kanino.

Nang makapasok kami sa bahay nila..

"Antayin mo na lang ako dyan." Sabi nya.

Umakyat naman sya sa taas. Siguro sa kwarto. Baka!

"Lil'brooooooo! May bisita ka pala." Napatingin naman ako sa sumigaw.

Sya yung babaeng kasama ni Zake nun sa Mcdo. Bakit nandito sya? Tsaka anong tawag nya kay Zake? Lil'Bro? Akala ko ba Gf sya ni Zake.

"Hello! Ako nga pala si Lhubielle Hya! Hoho ~ Nice meeting you!" Sabi niya.

"H-hi.." Sabi ko.

"Himala ata ngayon lang nagdala ng babae dito si Zake! Girlfriend ka ba nya?"

"N-naku! Hindi po" Sabi ko.

"Sus! Sabihin mo na. Ano nga pala pangalan mo?"

"A-amielle.. Kaklase nya lang po a-ako"

"Ah' Haha! Akala ko naman gf ka. Tch! Hina naman talaga ni Kapatid"

"K-kapatid?" Tanong ko.

"O-oo.. Kapatid ko si Zake! Hindi ba halata?"

"A-ah.. Hindi po kase kayo magkamukha!"

"Haha! Maganda pa ako kesa sa kanya nuh?"

"P-po?"

"ATE!"

"Oh! Bakit?"

"Doon ka na nga lang sa kwarto mo. Nandito sya para sa project namin. Psh!" Wow! Ngayon ko lang narinig nagsalita ng mahaba si Zake.

"Sungit talaga." Sabi ng Ate nya.

"Tara na nga! Doon tayo sa garden" Sabi nya. Sumunod naman ako sa kanya.

"A-anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Project." Sabi nya.

"alam ko kaya nga ako nandito eh." Sabi ko.

"Bakit ka pa nagtatanong?"

"Ang tinatanong ko kung paano natin gagawin. Yun yung ibig kong sabihin"

"Linawin mo kase"

"Tch"

Nagulat naman ako nung tumayo sya. "Oh! Saan ka pupunta?" Tanong ko pero hindi naman ako sinagot. How rude?

Nagulat na lang ako ng may dala syang pagkain. Wow! May gento palang side si Sungit.

"Salamat ah! Nag-abala pa si Sungit." Sabi ko.

"Sungit ba kamo?" Sabi nya at inagaw yung tray na puro pagkain.

"Hmp! Daya mo naman Zake eh." Sabi ko.

"Tch! Oh' Kumain ka na lang." Sabi nya.

"Oy! Oy! H-hindi na.. Hmp! Yung sa project ba?" Sabi ko at tinigil ang pagkain. Nahiya naman ako.

"Tss! Nahiya ka pa" Sabi nya. Inirapan ko na lang, sungit talaga!

"Gumawa na lang tayo ng——" Hindi natapos ni Sungit yung sasabihin nya ng bumaba ulit yung ate nya.

My SeatmateWhere stories live. Discover now