Chapter 1

8.8K 180 32
                                    

Chapter 1

Amielle's POV

Its Saturday. Dalawang tulog na lang at pasukan na ulit. Iyong ibang schools ay nagsimula na ngunit ang aming paaralan ay sa lunes pa. Ang mga public school kasi ay nauna sa amin ng isang linggo samantalang ang mga pribadong eskuwelahan ay nahuhuli. As I said, sabado ngayon at walang magawa.

Narinig ko namang kumatok ang pangalawang Kuya ko sa aking pintuan kaya naman nilingon ko ito.

"Why?" Tanong ko.

"Kuya Victor's calling you." Sabi nito at lumabas na sa kwarto ko.

Sumunod naman ako sa ibaba at nakita ang panganay kong kuya. I am the youngest child of this family and the only girl for them. My parents live at states while we are staying here in Philippines because of some reasons.

"Why are you calling me kuya?" Tanong ko kay Kuya Victor.

Binigyan naman niya ako ng pera. "Buy your school supplies. Pasukan na sa lunes at hindi ka pa din nakakabili." Tumango naman ako at saka kinuha ang pera. Tumingin naman siya kay Kuya Vince at tinawag ito.

"Hoy! Samahan mo si Amielle sa Mall."

"Bakit ko pa sasamahan? Ang laki-laki na niyan." Sabi ni Kuya Vince habang busy sa kaniyang play station.

Lumapit naman si Kuya Victor sa kaniya at saka niya ito binatukan.

"Victor huh! Nananahimik ako dito, tigilan mo ako!" Matigas na sabi ni Kuya Vince.

Hindi naglalayo ang agwat nilang dalawa. My Kuya Victor was only 19 years old while my Kuya Vince was only 17 years old and I am just only 15 years old.

"Sumasagot ka pa dyan. Baka gusto mong hindi ko ibigay ang allowance mo." Sabi ni Kuya Vic sa kaniya.

Napilitan namang tumayo sa pagkakaupo si Kuya Vince at tiningnan ako.

"Tara na, magtataxi tayo ha." Nakakauyam na sabi ni Kuya Vince sa akin.

Babatukan sana ulit ni Kuya Vic nang makaiwas na ito. Nag-make face lang ito at lumabas na ng bahay. Nagpaalam naman na ako kay Kuya Vic at lumabas na din ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang magpalit dahil nagmamadali na din kami ni kuya.

Simpleng shorts at cropped top with flat shoes lang ang sinuot ko tutal sa mall lang naman ang aming punta.

"Ikaw mag-bayad ng taxi ha." Sabi ni Kuya Vince.

Sumimangot lang ako sa kaniya at saka siya inirapan.

"Dapat pala hindi ka na sumama." Sabi ko nang makasakay sa taxi.

"Tigas ng ulo ng Kuya mo 'e." Sabi nito.

Pagdating namin sa mall ay pupunta na sana akong sa isang bookstore nang ito ay tawagin ako.

"Doon lang ako sa may second floor, may bibilhin ako." Sabi nito at umalis na.

Tingnan mo na, may sadya din pala siya dito tapos ako lang pinagbayad ng pamasahe. Hay nako! Hindi na talaga mawawala sa katawan ng kuya ko ang pagiging walang hiya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa aking dalang shoulder bag saka tinype ang number ng mga kaibigan ko.

"Hello."

"Hello?"

Mukhang kagigising lang nitong si Joy. Kahit kailan na-addict na sa kakapanuod ng Anime.

"Kagigising mo lang?" Tanong ko.

"Hmm, yup." Sagot nito.

Feeling ko ay nakapikit pa ito kaya naman sinabi ko na lang na sumunod na lang siya dito sa mall at papapuntahin ko na lang ang kaibigan naming si Feptzam para samahan ako. I know my Kuya Vince, tatakasan ako noon.

"Kanina ka pa?" Sabi ni Feptzam nang makarating sa aking kinaroroonan.

"Tumaba ka huh, nagpa-tan ka rin?" Sabi ko nang mapansin ang figures niya.

"Are you kidding me? Sa lahat pa ng mapapansin mo 'yan pa? Oo na, hindi na ako nag-jojog nitong nakaraang araw." Sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko. Hilig kasi niya ang mag-jogging.

"Panay ang outing. Buti nga't may pasok na tayo. Ayaw ko ng masunog ang balat ko. Baka mamaya magmukha akong barbeque."

Tumawa naman ako sa sinabi niya. Ilang oras pa naming inantay si Joy at buti na lang hindi ito matagal.

"Kaya mo kaming ipagpalit para sa Anime." Sabi ko at nagkukunwaring nagtatampo.

"Tagal namin naghintay sayo, bayad bente, wala ng libre ngayon." Sabi ni Feptzam.

Hingal naman na sumagot si Joy. Mukha itong kagagaling lang sa mahabang takbuhan.

"Grabe! Paupuin niyo nga muna ako." Sabi nito.

Nang makapag-pahinga si Joy ay namili na nga ako ng aking gamit.

"Really? Amielle, may mga coloring materials ka pa. You're not kinder." Sabi ni Joy nang mapansin ang laman ng basket ko.

"I don't have that, paano kapag kinailangan natin?" Tanong ko.

Umiling na lang si Feptzam. "Bumili ka kapag necessary. Wag ngayon, hindi pa 'yan kailangan." Sabi nito.

Tumango na lang ako at ibabalik na sana ang mga kinuhang gamit nang may makabunggo ako.

"Ano ba—-"

"Tss! Can you please look at your way?" Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. I know this voice.

Laking gulat ko nang makita ang long time crush ko. It was Zake. What is he doing here? Stupid, Amielle. Siyempre bookstore ito at di mo ba nakikita? May dala siyang basket may lamang school supplies.

"I-I'm sorry..." Sabi ko.

"Move," He said with full authority tone.

Umiwas naman ako sa dinadaanan niya. Kahit kailan napaka-sungit ng taong 'yon. Paano ko nga ba 'yon nagustuhan? Tss!

"Si Zake ba 'yon?" Tanong ni Joy.

"Omy! Buti na lang talaga sumama ako, nakita ko pa 'yong crush ko. God!" Naghihisterikal na sabi ni Feptz.

"Calm down, Feptz!" Suway ni Joy sa kaniya.

Me and Feptzam have the same crush ever since. But she does not know that I have a crush too on Zake's. I find it a sin to hurt your friend, but I don't really know how to get away those feelings.

"Zake..." I murmured.

My SeatmateOn viuen les histories. Descobreix ara