Chapter 49

1.2K 31 4
                                    

Salamat dahil umabot kayo sa chapter na 'to. Ito na po ang huling chapter ng istorya na ito. Maraming salamat, hayaan niyo pa pong mag-improve ako at makagawa ng bagong story nila Zake sa susunod.

Chapter 49

Para akong nanigas sa narinig. Darating si Zake? Bakit?

"Ano?!" Halos masigawan ko si Joy sa naging reaksyon ko.

"I'm sorry Amielle, nasabi ko kasi kanina kung nasaan tayo. Saka, he really wants to see you. Maybe for the last time."

"Joy naman."

"Please, Amielle. Para sa ikakatahimik niyong dalawa. Wala akong experience when it comes to break up pero please, bago man lang kayo magkalayo mag-ayos muna kayo. Tapusin niyo."

"Joy naman, ikaw nga ang pinunta ko dito."

Huminga naman siyang malalim, "Teh, wag ka na maarte. Okay lang ako, atsaka. Ayan na siya. Tatanggi ka pa?"

Pinigilan ko namang tumayo siya, napatayo din ako. Gusto ko siyang sabunutan. Jusqo, medyo thrilled itong babae na 'to. Ano bang pinakain ni Blake dito? May nangyari lang sa kanila ganito na? Naging bugaw ang gaga.

"Joy, wag mo akong iwan dito."

"Wag mo akong dramahan, mamimiss kita pero ipangako mong tatawag ka sa akin. Okay lang ako, hindi ako malungkot na aalis ka. Nandiyan naman si Blake, joke." Then she smiled.

Nakurot ko naman siya nang palihim. Nakuha pang lumandi. Nakita ko namang malapit na si Zake sa amin. Kinawayan siya ni Joy.

"Enjoy." Bulong niya saka nagmamadaling umalis.

Buset! Aalis ako, hello? Ano Joy? Wala reaksyon?

"Hey," Bati niya nang siya'y makalapit.

"Hi," I said.

Hindi ko alam kung paano ko siya pakiki-tunguhan. I mean, we broke up, right? Umupo ako muli sa aking pwesto, trying to make myself comfortable infront of him. Wala akong mahanap na salita para sa kaniya. All I wanted to do is to run away here. Hindi dahil hindi ko siya gusto makita o makasama. But I realized na mas mahihirapan kasi akong magpaalam sa kaniya. Last night, we texted each other saying about our relationship. Kung nakauwi na ba siya, and our converstion ended when we both said goodnight.

"Why did you do this?" His voice cracks.

I don't want to look on his face, yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. I can't face him, masiyado akong nahihiya sa nangyari kagabi. Itinakwil siya ng pamilya ko. Bakit ko pa ba siya kailangan kausapin kung tapos na kami.

"Amielle, answer me, please baby," pagsusumamo niya.

Inangat ko ang paningin ko. Punong-puno nang kalungkutan ang kaniyang mukha. Mukha ring hindi siya nakatulog nang maayos. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Zake, gusto ko lang sana sabihin na, sana hayaan mo akong tapusin kung anong meron tayo. Hindi dahil hindi kita mahal, kundi dahil wala akong lakas nang loob para ipaglaban ka sa magulang ko. I'm too young for this, ganon ka din."

Mabilis niyang hinawakan ang kamay kong nasa lamesa. Mahigpit ang hawak niya sa mga ito, kinagat ko ang pang-ilalim na labi upang hindi ako makagawa nang ikakaasa niya sa akin. Ang umiyak, ayoko non. Baka kasi masanay na ako, sa totoo lang ayoko nang ipilit. Kung hindi, edi hindi. Kung ayaw, ayaw.

My SeatmateWhere stories live. Discover now