Chapter 45

1.1K 24 3
                                    

Chapter 45

Nagising akong masakit ang ulo at nilalamig. Akala ko hindi na ako magigising. Inikot ko ang aking mata at napansin puro kulay puti ang nakikita. Nakaramdam ako nang biglang paglamig. Shit! Sa tingin ko ay nasa loob ako ng refrigerator na sobrang laki. I mean, sobrang laki as in parang isang storage room na. Niyapos ko ang aking magkabilang braso, naalala ko ang nangyari kanina.

Andrea's stab me with a big stone, malakas ang tama nito kaya naman nagkadahilan na mawalan ako nang malay. Inikot ko ang paningin, damn! Paano ako makakaalis dito?

"Tulong!!" I shouted.

Sigaw ako nang sigaw na para bang mawawalan na ng lalamunan. Nawalan ako nang malay at nagising na nandito na. Gusto kong umiyak ngunit sa sobrang lamig ay walang luha ang dumadaloy sa mukha ko. Sobrang lamig sa loob na hindi man lang ako makagalaw.

"Joy, Zake, Blake, Karl, Kuya Vic, Kuya Vince, Mommy, Daddy. Help me!" I cry.

Pinag-dikit ko ang dalawa kong palad at kinuskos ito, hinipan ko naman ang mga kamay ko habang ginagawa iyon. Ngunit naisip kong planado ito, planado ito dahil pakiramdam ko ay nasa kalahati ng degree ang temperatura ng refrigerator nito.

Alam kong abandona na ang silid na ito ngunit hindi ko alam na gumagana pa ang mga appliances nito. Gumapang naman ako malapit sa pintuan, ganon pa din ginagawa ko sa aking mga kamay.

Pinikit ko ang aking mata at nag-dasal, sana may nakakita sa amin ni Drea, sana may makakapagturo kung nasaan ako kung sakaling napansin nila na bigla akong nawala. Sana, sana, god. Help me, please pity me.

"Tu-tulong." I still tried to shout for help. Even I know no one's gonna hear me.

Nginig na nginig ako. Tila pakiramdam ko ay nanunuyo na ang labi at lalamunan ko, I don't want to sleep baka madehydrate ako, hindi ko kaya.

Naninigas na ako sa lamig na nararamdaman. Hindi ko na din kayang painitin ang aking palad. Unting-unti na rin akong nawawalan ng boses, kaya naman sumuko na ako. Whatever will happen to me, sana naman makita nila ako, I don't want to see my mom crying and my dad become furious about what happened. Ayokong habang buhay ay magbago ang tingin nila Kuya kay Feptzam, after all. She's still my friend.

Unting-unti ako nakakaramdam ng antok. Pilit ko itong nilalabanan. Lahat nang pwedeng isipin ay iniisip ko na. Mamatay ba ako? Shit! I'm freezing.

Hindi ko napigilan ang pagpikit ng mata ko. Hindi ko na talaga kaya.

"Mom, amielle is in the hospital now. She's pale... She's unconscious!"

"Damn! Amielle, wake up!"

Unting-unti nagbalik ang malay ko. Kulay puti, may ilaw, maingay, may umiiyak, may tumaktakbo at parang mga nagmamadali ito.

"She's not breathing but we can still hear her heartbeat."

"Faster!" Sigaw ng isang babae.

Yeah, nakakaramdam ako nang pananakit ng dibdib. Pagbara ng hangin sa daanan nito. Hindi ako ganon kamulat at hindi nila alam na medyo may malay na ako.

Dinala ako sa emergency room at doon lang nila nalamang conscious na ako, chineck ako ng doctor simula pag-tingin sa aking mata, sa malamig kong katawan at iba pa.

I'm still afraid of what happened. Hindi ko kayang magsalita hudyat na kailangan ko pang mag-pahinga. Nakahiga ako sa emergency room habang ang naaninag kong anino ng Kuya ko ay nakikita ko sa labas ng salamin sa labas, kitang-kita ko ang pag-aalala nila. Mabilis ang kilos ng mga tao dito sa emergency, may dalawa o tatlong anino akong naaaninag na may dalang bath tub.

My SeatmateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz