Chapter 7

3K 111 7
                                    

Chapter 7

Special Chapter

Victor's POV

Nandito ako ngayon sa school. Ang Saint Harvest University. Dito din pumapasok si Vincent pero magkaiba kami ng block. Naglakad naman na ako papuntang building ko kung nasan ang First Subject ko. Pagdating ko sa building ay papaakyat na sana ako sa hagdan pero nakita ko yung kaklase kong si Carl.

"Oh! Pre kumusta?" Tanong neto. Makamusta naman parang hindi kami nagkita. Tss!

"Parang sampung taon tayo hindi nagkita ah! Hahaha" Sabi ko.

"Eto naman. Nga pala nagawa muna ba yung plates natin?" Tanong nya. Naglakad naman na kami papuntang classroom.

"Hindi ko pa tapos pero nasimulan ko na" Sabi ko. Pero bago pa sya makapagsalita ay paliko na sana ako ng may makabungguan ako.

"O-ouch" Sabi nito habang nakaupo sa sahig. Medyo sexy nga tignan kasi nakataas ng kaunti yung palda nya.

"Hey!" Sigaw nito.

"S-sorry" Sabi ko. Pero bigla akong natigilan.

"I-ikaw?" Sigaw naming dalawa. Putek! Ang small world naman oh! Sabi ko ayaw ko na sya makita pero what the?

"Oh! Lubielle may problema ba?" Tanong nung kasama nya.

"Ah! Nothing. I just met him before." Sabi nya. Tinulungan ko naman sya sa pagpupulot ng mga libro nya. Pero hindi ko sinasadya na mahawakan yung kamay nya.

Eto nanaman yung pakiramdam nung una ko syang nakita. Tsk! Buti na lang at makapal ang mukha ko. Nahihiya man ako sa kagaguhan ko anong magagawa ko? Nangyare na eh..

"Ah-uh... Excuse me" Sabi nito.

"Ah.. Sorry" Sabi ko at tumayo na. Inabot ko naman sa kanya yung mga libro nya.

"T-thanks. By the way! Nice seeing you again. Pffft" Sabi nito at naglakad na. Geez! Nakakahiya!

Lubielle's POV

Nakita ko nanaman yung Lalaki sa Church. Haha! Nung araw na yun gusto ko ng mamatay sa kakatawa pero masyado akong maganda para dun!

"Kilala mo pala yung si Victor?" Sabi ni Lhadiee Anne.

Kaibigan ko sya. You know. Sisterakas na kami nyan. Lhadiee Anne Tapos Lubielle Hya ? Perfect!

"H-hindi. Actually accident ko lang sya nakausap sa Church noon" Sabi ko.

"Yiee naman! Swerte naman at naka usap mo pa. Varsity kaya yan. May kapatid yan eh! Si Vincent" Sabi ni Lhadiee Anne. Chismosa talaga!

"Haha! Tara na.." Aya ko sa kanya.

"Kinikilig ako grabe" Sabi nya. Baliw!

Vincent's POV

Nandito ako ngayon sa classroom. Second subject na kasi namin medyo kaunti palang yung mga estudyante na pumapasok. Maaga pa naman kasi..

"Vincent punta muna tayong Cafeteria" Sabi ni Lhuke. Kaibigan ko.

"Maaga pa!" Sabi ko.

"Aish! Daming satsat. Tara na lang" Sabi nya. Tsk!

Pagdating ko namin sa Cafeteria ay nauna ng bumili si Lhuke. Ako naman ay umupo na sa mga vacant seat doon.

"Ano bang subject mo ngayon?" Tanong ni Lhuke.

"Magkaklase po tayo!" Sabi ko.

"Hahaha. Joke lang naman Tol!" Sabi ni Lhuke. Nakakatawa eh noh?

"Tol. May Chixx!" Sabi ni Lhuke. Hindi ko lang sya pinansin at naglaro sa phone ko ng Zombie tsunami.

"Hello Miss" Sabi ni Lhuke.

"He! Tss" Sabi nung Babae. Napapala mo.

"Tara na nga Lhubielle" Napatingin naman ako sa mga babae.

Jusmiyo! Sya yung babaeng nasa salon.

"Sungit mo talaga Lhadiee ann" Sabi ni Lhuke.

Umalis naman na yung babae kasama yung babae sa Parlor. Putapete! Dito din sya nag-aaral? Destiny nga naman oh!

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon