Chapter 48

1K 21 1
                                    

Chapter 48

After the phone call, natulala ako nang husto. Gusto kong humiyaw sa inis, masiyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Oo nga't mas pinili ko ang magulang ko kesa sa kaniya pero..

"Stop thinking, Amielle."

"Hindi naman ako ganoon nag-iisip Kuya, di ba desisyon ko 'to? Edi dapat panindigan ko."

"Hindi naman lahat nang desisyon dapat panindigan lalo na kung hindi mo talaga kaya. Amielle, hindi kita masisisi, first puppy love mo siya. Hindi biro ang humanga nang tatlong taon. Napalapit na din siya nang husto sa'yo. Hindi naman ikaw pinagbabawalan 'e, alam mo yan? Ang kaso, wrong timing talaga sa ngayon."

"Alam ko Kuya, that's why I choose to decide. Alam kong hindi kami para sa isa't-isa."

"Hindi sa ganon, if destiny will let the both you then ayun."

Huminga ako nang malalim. Tiningnan ko nang seryoso si Kuya Vic. Masasabi kong malambot ang pakikitungo niya ngayon sa akin. Siguro nakikita niya akong nasasaktan at naisip niyang tama lang yung ginawa ko. Tama lang na iwan ko si Zake.

"Matulog ka na. Huwag ka muna mag-isip, alam kong maiintindihan ka niya." Sabay haplos sa buhok ko.

I bite my lower lip and nodded. Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama ko. Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti naman siya sa akin kaya naman ganon din ako, pakiramdam ko nawala lahat nang bigat na nararamdaman ko.

"sleep well my princess." then he close the door.

Humiga ako nang maayos sa kama ko. Sumilip ako sa bintanang nakabukas sa aking silid. Maliwanag ang buwan, maliwanag ang mga bituin ngunit hindi maganda ang nararamdaman ko. Masaya siguro ako kung kasama ko si Zake habang tinitingnan ito.

"Amielle! Please magusap tayo!"

Isang boses ang narinig ko sa labas nang bintana. Mabilis akong sumilip doon at nakita si Zake, nandoon siya at nakatingala sa akin. Naramdaman ko namang bumukas ang ilaw sa living area namin kaya mabilis akong umalis sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mommy sa kaniya.

"Hijo, dis oras na nang gabi." Saad ni Daddy.

"Zake, why are you here?" Tanong ni Kuya Vince.

Mabilis akong tinago ni Kuya Vic sa kaniyang likod habang si Kuya Vince naman ay lumingon lang sa amin na nakakapagtaka at maayos kami.

"Ma'am, let me talk to your daughter."

Napatingin naman sa gawi ko si Mommy. Si Daddy naman ay nakasimangot lang.

"Hindi! Kung ano mang hindi niyo pagkakaintindihan ng anak ko, wag niyo nang ayusin. Mabuti at maghiwalay na kayo nang tuluyan. Hijo, wala nang makakapagpigil sa akin. Anak ko si Amielle, at pakiusap wag mo silang pagsabayin ni Ynah."

"Ma'am, wala kaming relasyon ni Ynah. Simula nang first year hindi ko naman siya kinausap. Ang anak niyo lang ho na si Amielle ang mahal ko. Alam ko pong bata pa kami pero please.."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Una, ayokong makita si Zake na nagmamakaawa sa magulang ko. Pangalawa, hindi ko siya kayang ipaglaban.

"Hijo, hindi ka ba makaintindi? Ngayon lang ako sinunod nang anak kong si Amielle. Kung nakipaghiwalay man siya sayo tama ang desisyon niyang iwan ka at hindi ako makakapayag na ikaw ang makatuluyan ng anak ko."

"Zake, masakit pa ang ginawa nang pamilya mo sa pamilya ko. Sana maintindihan mo, ayaw na namin magkaroon pa nang koneksyon si Amielle sayo." Saad ni Daddy.

My SeatmateWhere stories live. Discover now