Chapter 18

2.6K 81 5
                                    

Chapter 18

"Ang ganda naman ng Kapatid ko, mana ka talaga kay Mama." Sabi ni Kuya Vince. Tss! Inuuto nanaman ako.

"Grabe yang may debut sa inyo ah! Mayaman siguro." Sabi naman ni Kuya Victor

"Para ka namang bobo Kuya e, magpaparty ba yun kung hindi mayaman. Pinsan ni Zake yun diba?" Tanong ni Kuya Vince.

"Oo, princess yun sa school kaso hindi kami nag-kakausap." Sabi ko naman at inayos ang bestida ko.

"Tss. Lakas talaga ng topak ng eskuwelahan nyo no?" Sabi naman ni Kuya Vic.

"Bat ikaw Amielle? Hindi nasama don? Maganda ka naman ah!" Sabi ni Kuya Vince.

"Huh? Haha. Para sa mga 4th year student lang kase iyon. 3rd year pa lang naman ako Kuya!" Sabi ko at inayos ang buhok ko.

"Sus. Umaasa ka naman na mapapasama ka bilang Princess sa inyo." Sabi niya.

"Alam mo Kuya! Kung hinahatid mo na lang ako diba?" Sabi ko kay Kuya Vince.

"Tama nga naman, jusko nang nakakatulong ka pa!" Sabi ni Kuya Vic.

"Tara na nga, princess." Sabi ni Kuya Vince.

Nagpaalam na nga kami kay Kuya Victor. Sumakay naman na kami sa sasakyan. Ihahatid lang naman ako ni Kuya Vince sa bahay nila Zake, buti nalang talaga natatandaan ko pa. Paano ba naman! Ako pa susundo doon sa kaniya. Tss!

"Paano ba yan Princess?" Tanong ni Kuya Vince.

"Ingat Kuya. Dumiretso uwi ka okay? Lagot ka kay Kuya Vic." Sabi ko.

"Oo na, alam ko 'yon." Sabi niya.

"Yang gasgas mo sa mukha ah, ano bang nangyare dyan? Pasalamat ka hindi napansin ni Kuya 'yan." Sabi nito. Hinawakan ko naman yung pisngi ko, yung kuko ni Drea.

"Ah! Wala. Hindi ko lang napansin na may kung ano palang nakausli doon sa may upuan ko sa Classroom tapos 'yun nasugatan na ako." Paliwanag ko.

"Sige na, pumasok ka na doon." Sabi nito. Tuluyan na nga itong umalis. Nag-lakad naman ako papuntang maindoor ng bahay nila Zake.

"Ms. Amielle?" Sabi ng isang maid sa kanila.

"Uh, opo." Sabi ko naman.

"Pasok po, nako! Nag-bibihis pa ata si Sir Zake e." Sabi ni Ate.

"Ngayon pa lang po?" Tanong ko.

Grabe naman 'tong Lalaking 'to! Ang usapan aalis kami ng 5 pm. Anong oras na oh?

Pumasok naman na muna ako sa sala nila. Halos wala pa din nag-bago,

"Amielle!" Sigaw ni Ate Lubielle.

"Ate!" Tumayo naman ako para salubumgin siya.

Napaka-ganda niya ngayon, simple pero elegante. Naka-suot siya ng isang balloon na cocktail na kulay black na may ruffles sa gilid nito at spaghetti top.

"Ang ganda niyo." Sabi ko at niyakap siya.

"Aw. Thank you, you look pretty today, wait! You dont have any make- up?" Tanong niya at hinawakan ang mukha ko.

"Come on." Sabi niya at hinatak ako.

"Teka.." Sabi ko.

Habang papaakyat kami ay may nasa lubong kaming bata na babae. I think na sa 5 years old ito. Pumasok naman kami sa bedroom ni Ate.

"Ang ganda-ganda mo hindi ka marunong mag-ayos." Sabi ni Ate at nilagyan ako ng conciler.

"Wala naman po kase akong hilig sa ganyan e." Sabi ko.

"Okay lang 'yun, minsan lang naman e." Sabi nya.

Nang natapos niya akong lagyan ng make-up ay bumaba na kami sa sala at nandoon na si Zake.

"Who is she?" Tanong nung bata na nakasalubong namin kanina.

"She's Amielle, kuya and I close friends." Pakilala ni Ate Lubielle.

"Tara na." Sabi ni Zake at tinignan ako.

"Okay." Sagot naman nung Zia.

"Pagpasensyahan mo na yung dalawa ah. Magkapatid talaga sila e." Sabi ni Ate Lubielle.

Napangiti nalang ako, hindi ko inakala na may girl version pala ang kasungitan ni Zake. Ano bang meron sa akin at sinusungitan ako nitong magkapatid na 'to?

Lumabas na nga kami sa bahay nila Zake. Bali sa loob ng sasakyan ay ang driver nila habang si Zake ay nasa Passenger seat at kaming tatlo naman ay nasa backseat. Si Ate Lubielle ay ang nasa gitna namin ni Zia, ayaw ata akong katabi nong maliit na yun e.

Nang makarating kami sa venue ay nag-hiwalay na kami ni Ate Lubielle, babantayan daw kasi niya si Zia. Habang kami naman ni Zake ay pumasok na sa loob ng venue.

"Kung mabobored ka doon ka nalang sa may garden." Sabi ni Zake.

Tumango naman ako sa kaniya, malaki ang venue, meron itong resort sa likod, nalaman ko din na pag mamay-ari pala ito ng pinsan ni Zake na si Pauline Brix Smith. Sobrang yaman pala talaga ng pamilya nila.

Umupo naman ako sa isang lamesa kung saan nakalagay ay guest. Yung mga 4th year student ay halos lahat nandito. Sobrang ganda ng mga Princesses ng school kaya hindi na ako magtataka kung ba't sila mga prinsesa sa aming paaralan.

"Okay kalang?" Tanong ni Zake. Ngumiti naman ako sa kaniya.

Nagsimula na ang Party at mga 18's everything. Iniwan muna ako ni Zake saglit para isayaw ang pinsan niya. Napatingin pa nga sa akin si Ate Pauline. Ang ganda niya talaga!

Nang matapos ang mga 18's everything ay nagsimula naman ang Slow Dance. Lumapit naman sa akin si Zake.

"Shall we?" Tanong niya at inilahad ang palad niya sa harap ko.

Napalunok naman ako. Eh? As in? Zake Lupert Lacuesta inaaya ako mag-sayaw? Gawd.

"Ah-okay." Sagot ko naman.

Tumayo naman ako at sumunod sa kaniya sa Dance Floor. Nilagay naman niya ang mga kamay ko sa leeg niya at ang kamay niya naman ay sa bewang ko. Gawd!

Hindi ko alam ang gagawin ko, to the first time sa tanang buhay ko! Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganitong kalapit. Jusko! Amoy na amoy ko yung hininga nya. Gawd!

"Ah." Panimula ko.

Lalo akong naiilang sa kanta. Bestfriend by Jason Chen.

🎶Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then.🎶

Naiilang talaga ako. Ugh! Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Saka feeling ko humihigpit ang hawak niya sa bewang ko. Bakit ganon?

🎶Now I realize you were the only one
It's never too late to show it.
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent.🎶

"Naiilang ka ba Amielle?" Tanong ni Zake. Napalunok ako ulit, ilang beses na ba ako lumulunok dito? Ugh.

"Ha-ha-ha! M-medyo?" Sabi ko.

"Halika." Sabi niya at hinila ako papalapit sa kaniya.

Hindi ko alam ang gagawin ko, damn! Hindi lang paglapit sa kaniya. Gawd! Niyakap niya ako!

"S-sorry." Sabi nito at umalis na.

Damn. Ano 'yon?

My SeatmateWhere stories live. Discover now