Chapter 1

22 3 0
                                    

C H A P T E R 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Bakit pa kasi natin kailangang umalis, ate?" tanong ng kaniyang kapatid habang mag kaharap silang dalawa.

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at nagsimulang sumenyas. "Wala na tayong perang pambayad sa upa natin. Alam kong naghihirap na si mama sa ibang bansa kaya kailangan na nating magtipid.

Mas lalong nagpadyak ang kaniyang kapatid. "Ayoko pa doon ate."

Kitang-kita niya ang frustasyon sa mukha ng kaniyang kapatid pati sa pagkumpas ng mga kamay nito para sabihin sakaniya ang saloobin niya ay halata ang inis.

Napahilot na lamang si Kae ng kaniyang sumasakit na ulo. Ang dami-dami niya na 'ngang problema, kailangan niya ang pakalmahin ang kapatid upang hindi siya mag trantrums pag dating sa bago nilang tutuluyan.

Tumayo siya at ibinuka ang braso. Alam na agad ng kaniyang kapatid kung ano ang pinapahiwatig niya kaya agad itong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

Malambing na hinaplos niya ang malambot nitong buhok at hinaplos-haplos ang likuran nito. Kung titignan ay nag mumukhang siya ang ate sa kanilang dalawa ngunit ang totoo siya ang bunso sa kanilang dalawa. Ngunit wala naman siyang magawa kung hindi magpaka ate sa kanyang kapatid dahil may kapansanan ito.

"Magiging maayos tayo doon, kailangan lang natin silang tiisin okay?" mahinahon niyang sensyas sa kapatid ng mahiwalay sila ng yakapan.

Malakas itong bumuntong hininga. "Wala naman akong choice diba?"

Mapait siyang napangiti saka tumango. "Wala tayong choice."

Tumango na lang ito saka dumiretsyo sa maleta nito na iniimpake niya at inayos muli nito ang mga tupi dahil sinipa niya ito kanina pa.

Napangiti na lang si Kae dahil mabuti na lang at hindi masyadong mahirap pakiusapan ang kaniyang kapatid at pilit nitong iniintindi ang sitwasyon nila.

Inayos niya na ang lahat ng gamit na pwedeng dalhin papunta sa bahay ng masungit nilang tita, na kapatid ng kanilang ina. Ayaw na ayaw talaga nila doon ngunit wala na talaga silang choice kung hindi doon na lang pumunta.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Agad napatigil si Kae sa pag-aayos sa buhok ng kapatid ng marinig ang malakas na katok mula sa pintuan nila. Siya lang ang nakakarinig 'nun dahil walang pandinig ang kaniyang kapatid.

"D'yan ka lang," senyas niya dito at hinawi ang pirasong buhok na nakaharang sa mukha nito.

Tumango lang ito at malawak na ngumiti. Ginantihan niya naman ng ngiti ito saka siya tinalikuran at kinuha ang mahabang walis na meron sila. Malakas na buntong hininga muna ang nilabas niya saka mabalis na binuksan ang pintuan.

"Magbayad na kay-"

"Oh ano sige lumapit ka!" sigaw ni Kae habang tinututok ang walis sa pagmumukha ng landlord nila.

Agad naman itong napa atras at sinamaan siya ng tingin. "Pwedeng-pwede ko kayong kasuhan sa ginagawa niyong 'ya-"

"Wala akong pake ang panget mo tanga!" inis na sigaw niya at akmang ihahampas na sa pag mumukha nito ang walis na hawak ng bigla na lang niya iyon nasalo.

"Bwisit kang bata ka halika 'nga rito," nanggigil na sabi nito at malakas na hinila ang walis. Dahilan para muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan niya.

Agad siyang humawak sa pader at akmang sisipain na ang malaking t'yan ng landlord nila ng bigla na lang may sumabunot dito.

"Aray ko! Punyeta!" malakas na sigaw nito kaya agad nanlaki ang mata ni Kae at hinagis ang walis na hawak.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now