Chapter 17

2 1 0
                                    

C H A P T E R 1 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Naglalakad mag-isa si Kae sa hallway habang aligaga siya sa binabasa niya. Masyado siyang tutok na tutok sa binabasa niya kaya hindi niya na napansin na may tao na sa harapan niya.

Kung hindi pa siya mabangga nito ay hindi niya pa mapapansin.

"Sorry," bulong niya habang hinihimas ang noo niya.

"Kae."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang pamilyar na boses iyon kaya agad siyang nag-angat ng tingin.

"Bakit ka nandito?" inis niyang taong at agad umatras.

"Kae pasensya ka na sa ginawa ko pero-"

"Kung nag so sorry ka ngayon edi okay. Pero hindi ko tatanggapin 'yang sorry mo," malamig niyang sabi at akmang tatalikuran na si Jake ng hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit.

"Pasensya ka na sa gagawin ko, Kae. Nagigipit lang talaga ako kaya kailangan ko 'tong gawin," nagmamakaawang sabi niya at buong lakas siyang nanghina.

Bigla namang nanghina ang buong katawan niya ngunit pinilit niya na mag pumiglas ngunit masyadong malakas si Jake kumapara sakaniya ngayon.

"Please, someone help me," she whispered hopelessly.

Pinilit niya na lakasan ang hampas at suntok niya sa kamay ni Jake na halos babaliin na ang buto niya sa sobrang higpit. Ngunit parang wala iyon kwenta sakaniya.

Malakas siyang bumuntong hininga at nilakasan ang loob na sabunutan ng mahigpit ang buhok ni Jake. At laking pasasalamat niya ng parang nanunbalik na ang lakas niya ng makitang nasaktan ito sa pagsabunot niya.

"Tangina ka, bumitaw ka sa'akin," inis niyang sabi dito at sinasadyang binaon ang kuko sa anit nito kaya napahiyaw ito.

"Sabing bumitaw ka!" sigaw niya at hinila pa pababa ang ulo nito.

Ng sawakas ay naka bitaw na ang kamay nito sa pulsuhan niya ngunit hindi niya pa rin ito binibitawan.

"Saan mo ko balak dalihin!?" malamig niyang tanong at mahinang inuntog ang ulo nito sa pinaka malapit na pader.

Hanggat kaya niyang pigilan ang sarili na huwag dumanak ng dugo sa harapan niya ay pipigilan niya ang sarili.

"I-Ipupunta k-kita k-kay V-Vince katulad ng gusto n-niya," nanginginig nitong sabi habang nakahawak sa kamay niyang naka sabunot sa buhok niya.

Puno ng sarkastiko siyang tumawa ng malakas at sa sobrang galit na nararamdaman ay halos magdugo na ang ulo ni Jake sa paghigpit ng kapit niya dito.

Nag-iinit na ang katawan niya kasabay ng pandidilim ng paningin niya sa sobrang galit na nararamdaman. Gustong-gusto niya ng makakita ng dugo sa sobrang galit ngunit pinipigilan niya pa ang sarili.

"Wala talaga kayong balak tigilan ako 'no?" madiin niyang tanong at nag baba ng tingin kay Jake.

Ang mga mata nito ay puno na ng takot at ramdam na ramdam niya ang matinding panginginig ng katawan nito sa takot.

"W-Wala akong c-choice kung h-hindi s-sundin s-sya, Kae d-dahil-"

"Wala akong pake sa rason mo. Alam kong alam mo na mas lalong masisira ang buhay ko sa ginagawa mo. At ang hindi ko maintindihan kung paano ka nakakatulog ng matiwasay gabi kahit na alam mong may nasisira ka ng buhay."

Dumilim ang mukha nito at buong lakas siyang tinulak. Dahil sa malakas na 'nun ay malakas na tumama ang likuran niya sa malamig ng pader.

Akmang lalakad na si Jake papunta sakaniya ng may malakas na sumuntok dito. At tuluyan na siya napa dausdos sa pader ng makitang si Rus na ang nasa harapan niya.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now