Chapter 23

2 1 0
                                    

C H A P T E R 2 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Wala sa sariling nakatitig pa rin si Kae kay Rus habang naglalakad sila. Bumaba ang tingin niya sa kamay nilang magkasiklop, Ngayon ay naglalakad sila sa isang barangay na puno ng makalumang gamit. Hindi alam ni Kae ang lugar na ito kaya mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, baka mamaya ay bigla na lang siyang mawala.

Laking pasalamat niya na lang at hindi siya binitawan ni Rus ng magmula ng makarating na sila sa barangay.

"Ano bang lugar 'to? Ang makaluma," nakangiwi niyang bulong kay Rus na bahagya niya pang hinawakan ang balikat upang magdikit ang labi niya sa tenga nito.

Mahinang natawa si Rus. "Dito ako kumukuha ng mga tela at ga gamit ko panahi."

Napa awang naman ang bibig niya at tumango na lamang. Maganda naman ang buong lugar kahit makaluma ang nakikita niya na mga bagay.

May mga kubo at makalumang bahay na madalas niya lang nakikita sa palabas. Kahit tirik ang araw ay hindi naman siya naiinitan dahil malamig ang simoy ng hangin.

Hindi na namalayan ni Kae na nasa loob nap ala sila ng isang shop. At syempre hindi rin ito nakaligtas sa makalumang mga bagay. Puro antigo na mga bagay ang nandoon.

Pero kahit ganu'n ay mukhang mamahalin at nakakatakot hawakan dahil baka mamaya ay mabasag.

"Maligayang pagbabalik, ginoong Rus!" masiglang bati ng matanda.

Agad naman napatigil sai Kae sa paglilibot at tinignan ang matanda. Agaw pansin masyado ang puti nitong buhok at balbas na puti.

"Magandang araw po, lolo Noel," magalang na bati ni Rus at nagmano kaya agad din iyon ginaya ni Kae.

"Magandang araw po," nakangiting sabi niya kaya nginitian siya pabalik ng matanda.

Bahagya pa siyang napatalon sa gulat ng bigla na lang niyang naramdaman na tinapik siya nito sa ulo.

"Napakagandang dalaga ang iyong dala, ginoong Rus. Asawa mo ba siya-"

"Ay hindi po."

"Soon po."

Pinanlakihan niya si Rus ng mata at mahinang kinurot ang tagiliran niya kaya napangiwi ito. Ngunit imbis na lumayo sa kanya ay malambig na niyakap lang ni Rus ang braso sa bewang ni Kae.

Dahil 'nga naka crop top si Kae, ramdam na ramdam niya ang init ng dalawang braso ni Rus.

"Ang ganda niyong dalawa. Oh siya, ano ba ang iyong sinandya dito, ginoo Rus?"

Agad na umayos ng tayo si Rus ngunit iniwan nito ang isang braso na nakapalibot sa bewang ni Kae.

"Bibili po ako ngayon ng bagong tela para sa dami na gagawin ko para sakaniya," nakangiting sabi ni Rus, tukoy sa kanya kaya hindi maiwasang mapa awang ang labi ni Kae.

May pinagusapan pa sila na hindi niya na pinagtuunan ng pansin dahil may antigong bagay ang nakakuha sakaniya ng pansin.

Daha-dahan umalis si Kae sa braso ni Rus at nilapitan ito.

"Pwede po ba itong kuhanan ng litrato, lolo?" manghang tanong niya habang nakatitig sa antigo.

"Oo naman."

Agad naman siyang napa hagikgik at nilabas na ang phone upang picturan iyon. Isa iyong pigurin ng isang palaka na nakalabas ang dila. Kulay silver iyon at halatang mamahalin. Gawa ang buong katawan at ulo ng palaka sa maliliit na bato.

"Galing pa iyon sa Japan. Ginawa iyan noong 1962," nakangiting sulpot ng matanda kaya manghang tinignan niya ito.

"Paano niyo po nakuha 'yan?"

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now