Chapter 12

2 1 0
                                    

C H A P T E R 1 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Humihikab na naglalakad si Kae papunta sa karenderya na lagi niyang pinagbibilihan ng baon. 5 am pa lang ngayon kaya malamig at pasilip pa lang ang araw

Nag uunat-unat siya habang naglalakad at ng sa wakas ay nakarating na siya sa karinderya ay agad niyang nakita si manang Mila na nagluluto.

"Hi manang!!" nakangiting bati niya at binaba ang bag niya sa upuan.

"Oh magandang umaga. 'Yun pa rin ba ang order mo?" nakangiting tanong nito kaya agad siyang tumango.

"Wala naman pong pagbabago, 'yun pa rin ang paborito kong ulam sainyo." Lumapit siya sa ginang at hinawakan ang kutsilyo. "Tulungan ko na po kayo."

"Salamat iha."

At sa nakasanayan ay tinulungan niya ang ginang na mag luto. Marami na rin siyang natutunan sa ginang at laking pasasalamat niya at pinagkakatiwalaan siya nito dahil sinabi niya lahat ng secret recipe sakaniya.

Ng sumapit na ang 6 am ay agad na siyang nag ayos at hinintay ang order niya.

Nakangiting inabot ng ginang ang inorder niya kaya maagap niya iyon tinanggap.

"Ikaw lang ang may gusto ng ulam na 'yan pero alam mo bang may lalaking nag order niyan kahapon," nakangiting pag kwento nito kaya agad napa uwang ang labi niya.

"Ibig-sabihin may ka partner na ko para kainin 'to!" nakangiting sabi niya kaya napailing ang ginang.

Nilapag niya muna lahat ng gamit sa bag upang maayos ang mga gamit niya.

"Siya 'yung lalaking tinutukoy ko."

Agad siyang lumingon sa ginang na ngayon ay nakaturo sa phone niya. Tumaas ang kilay niya ng makitang nakaturo ito kay Rus.

Lockscreen niya kasi ang picture nila na nakanganga siya at para bang kakainin niya si Rus.

"Siya po 'yung pumunta kahapon dito?"

Agad itong tumango. "Oo. Para pa 'nga siyang nagmamadali kahapon at para siyang hinabol ng kabayo sa pawis niya. Pero kahit gano'n ang itsura niya gwapo pa rin."

Napailing na lang siya at tinitigan ng mabuti ang bag niya. Ngayon niya lang napansin na luminis bigla ang bag niya hindi katulad ng dati na nangingitim na.

"Nilabahan niya 'to!? Ibig sabihin natapon niya 'ng 'yung ulam ko kahapon!?" hindi makapaniwala niyang bulong.

"Aba dalian mo na d'yan iha at baka ma late ka pa."

Agad siyang tumango at binilisan na ang pag-aayos. Sisiguraduhin niya na makakatikim sakaniya si Rus.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Ngunit hindi na natuloy ni Kae ang plano niya dahil ng makita niyang mukhang busy at stress pa sa ginagawa niya. Pinasadahan niya lang tingin si Rus.

Nakasabit ang measure tape nito sa leeg at masyadong focus sa tinatahi. Gano'n rin si Maria na kaharap niya. Tinitigan niya lang ang measure tape nito na mukhang luma na.

Ngayon ay nasa labas na naman sila ng room nila dahil may pinapagawa na naman sakanila.

"Kae ano ba nakikinig ka ba!?" inis na sigaw ng leader nila kaya agad siyang napabaliwas at napa ayos ng upo.

"Sorry may iniisip lang ako," nakangiwi niyang sabi kaya matalim siyang inirapan nito.

"Wag kasi iba ang iniisip kapag sa school tayo," sermon nito kaya agad siyang napa kamot sa batok at tumango.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now