Chapter 18

2 1 0
                                    

C H A P T E R 1 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"What are you doing to her, mom?" he asked calmly.

Kahit na gusto niya ng magalit ay pinilit niya ang sarili na huwag tuluyang sumabog dahil kailangan nita pa rin galangin ang nanay niya kahit anong mangyari.

"R-Rus-"

Agad niya ng pinutol ang pagsasalita ni Kae. "Hindi ikaw ang tinatanong ko, Kae."

"Bakit mo naman pinagsilbihan ang isang katulad niya-"

"Katulad niya? Bakit Ma, ano bang tingin mo sakaniya?" malamig niyang tanong.

Kusa na lamang nag tagis ang bagang niya kasabay ng bahagyang panginginig ng katawan niya sa galit.

"Basura? Mukha naman talaga siyang basur-"

"Ma may problema po ba kayo sa mata? Bakit hindi po kaya patingin 'yang mata niyo?" puno ng sarkastiko niyang sabi kaya bigla namang sumama ang mukha nito.

"Sinasagot-sagot mo na ko, Rus!? Wala kang karapatan na sabihan ako ng gan'ya-"

"I think I have a right to talk when you're wrong, mom," Rus said.

Malakas itong bumuga sa hangin at puno ng frustasyong sinabunutan ang sariling buhok. "Wala akong pake sa sinasabi mo, Rus. Ang sa'akin ay wag mo na ulit papagsilbihan ang mga basurang katulad nila-"

"NIla? Ano pong tinutukloy niyo?" magalang na tanong ni Kae ngunit halata ang matinding pag kairita sa mukha boses nito.

"Yung kapatid mo-"

"Walang galang na ho pero huwag na huwag niyo pong tatawagin gan'yan ang ka[atid ko. SIge po laitin niyo na ko lahatin niyo na lahat ng masasama at nakakadiring salita sa'akin pero huwag po sa kapatid ko," malamig nitong sabi at padabog na binitawan ang basahan saka umalis na doon.

Malakas na bumuga ng hangin si Rus at agad na sinundan si Kae. HIndi niya na pinansin pa ang sigaw sa kanyang ina.

Ng tuluyan na silang makapasok sa bahay nila Kae ay agad itong umupo sa sofa. Walang oras ang sinayang niya at agad siyang lumuhod sa harapan nito at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry-"

"Wag kang mag sorry, nangyari na eh," mariin na sabi nito at pumikit.

Mariin naman nakagat ni Rus ang labi niya saka pinagsiklop ang mga kamay niya. "You deserve an apology, Kae. I will say sorry to kuya Kaylan also-"

"Rus hindi naman ikaw ang nagsalita sa'amin kaya hindi mo na kailangan mag sorry. Gusto ko marinig 'yan sa nanay mo na halatang hindi naman mangayayari."

Humugot ng hangin ang binata mula sa dibdib. "Anong oras ka nandoon?"

"6 am-"

"Anong sinabi niya? Paano niya nalaman na nandito ako at inalagaan ko kayo?"

Malakas itong bumuntong hininga saka tinuro ang sarili. "Malamang ako."

"Paano mo nalaman?"

Puno ng sarkastiko niyang tinignan si Rus. "Rus tulala lang naman ako, ramdam ko naman at nakikita ko pa ang paligid. Sadyang ayaw lang talaga ng katawan kong kumilos."

Malamlam niyang tinitigan si Kae. "Okay ka na?"

Natulala naman sakaniya si Kae kaya nag panic na tinapik niya ang pisngi nito. "Wag kang tumulala sa'akin."

Agad naman ito napangiwi at mahina siyang sinampal. "Aray ko naman, ang sakit."

Mahina siyang natawa. "Ikaw kasi, wag ka ng tumulala. Baka bumalik ka na naman sa kahapon mong sitwasyon eh."

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now