Chapter 35

3 1 0
                                    

C H A P T E R 3 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mabilis na tumigil ang pagtibok ng puso ni Kae dahil sa narinig. Mabilis siyang lumingon kung saan nakatingin si Vince. Nanlaki ang mata niya ng makitang naglalakad na palapit sakanila si Rus ng may mga matalim na titig kay Vince.

Bigla na lamang nanginig ang tuhod ni Kae at mahigpit na napakapit sa braso ni Vince ng maramdaman niyang nawawalan na siya ng balanse sa sarili.

Nagsimulang maglikot ang isip niya, na baka mamaya ay siya ang sisihin ni Rus kung bakit nakahawak si Vince sakaniya. Na baka hindi na naman niya ma explain ang totoong nangyari.

At ang pinaka worse, magalit sakaniya si Rus.

"Scared, huh?" Vance whispered, full of amusement.

Hindi niya na natignan pa si Vance dahil masyado siyang tutok kay Rus na nandidilim na ang mukha. At namalayan na lamang ni Kae na si Rus na ang may hawak sa bewang niya habang si Vance naman ay nasa lapag na habang hawak ang ilong.

"Don't ever come close to my girlfriend again. Mas malala ang mangyayari sa'yo sa oras na lapitan mo ulit ang girlfriend ko," madiin niyang sabi at marahan na siyang hinila.

Hindi pa rin maayos na nakakapag proseso ang utak ni Kae kaya nakatulala lamang siya kay Rus.

Sa kabilang banda ay sinusubukan ni Rus na pakalmahin ang sarili habang naglalakad sila sa walang direksyon, hindi niya alam kung saan niya dadalihinn si Kae. Naka ilang beses siyang bumuga sa hangin bago tuluyang kumalma.

Akmang kakausapin niya na si Kae ng mapansin niyang para wala ito sa sarili niya, nakatulala lamang ito sakaniya.

Ng may makita siyang bench na nasa ilalim ng malaking puno ay agad niyang dinala doon si Kae at inalalayan itong umupo.

Lumuhod siya sa harapan nito at puno ng pagmamahal niyang hinalikan ang kamay nito at hinaplos ito ng marahan.

"Love."

Nakahinga ng maluwag si Rus ng makitang natauhan na rin si Kae. Ngunit agad din bumalik lahat ng pangamba niya ng makitang bigla na lamang nag sibagsakan ang luha ni Kae.

"Sinaktan ka ba ng gagong 'yun?" inis na tanong niya habang pinupunasan ang basang pisngi nito.

Hindi siya sinagot nito at humagulgol na lamang ng malakas kaya mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. Hinaplos niya ang buhok ni Kae habang hinahalikan ng ilang beses ang ulo niya.

Hindi nagsalita si Rus hanggang sa tuluyan ng humina ang hikbi ni Kae. Marahan niya itong inahon mula sa balikat niya at siya na mismo ang nagpunas lang luha nito.

"Bakit ka umiiyak?" marahan niyang tanong habang titig na titig sa mga mata ni Kae.

"A-Ang a-akala ko kasi magagalit ka sa'akin."

Malakas na bumuntong hininga si Rus at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi niya at mabilis na hinalikan ang mga namumula niyang mata niya.

"Bakit ako magagalit sa'yo? Hinding-hindi ako magagalit sa'yo, Love. Tandaan mo 'yan. Kahit saktan mo pa ko ng paulit-ulit, kaya kong kalimutan lahat ng 'yun para lang makasama ka ulit. Don't cry na ha, ang panget mo na oh," natatawang sabi niya kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas.

"Suntukin kita d'yan e," inis na sabi niya kaya mabilis siyang napa hawak sa dibdib niya.

"Ay parang hindi suntok ginawa mo ha."

Pinanlakihan siya ng mata nito. "Hampas lang 'yun. Itong gagawin ko suntok na."

Mabilis na tumakbo si Rus ng bigla na lamang tumayo si Kae at nakataas na ang kamao niya. Hanggang sa tuluyan na silang makauwi ay naghahabulan pa rin sila kaya halos hindi na makahinga ng maayos si Rus.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ