Chapter 2

18 3 0
                                    

C H A P T E R 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Okay lang naman na ikaw ang maging tindera sa tindahan ko, hindi ba?" masungit na tanong ng tita niya habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng gabihan.

Kahit na masungit ito ay ramdam naman ni Kae na malaki ang puso nito pagdating sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring asawa at anak ang tita niya pero alam niya naman ang rason nito.

Sa katunayan ay pangarap niyang maging katulad ng tita niya dahil naniniwala siya na wala ng ibang kaugali ang tatay nila, wala na siyang mahahanap na katulad ng tatay niya.

Na kaya silang pagsilbihan, mahalin higit sa sarili niya, kayang tiisin at baliwalain lahat ng kaartehan nila sa buhay at kaya silang tanggapin ng walang alinlangan.

Sayang lang at hindi na nila ito masisilayan at mayayakap muli dahil nawala na ito.

Agad siyang tumango. "Yakang-yaka ko naman 'yun tita. Kabayaran na rin 'yun sa pagtira namin dito ni kuya Kaylan."

Nakangiting sinubuan niya ang kapatid dahil naglalambing na naman ito sa kaniya.

"Kaelie, hindi kita pinagtinda dahil iyon ang kabayaran niyong dalawa dahil nakikitira kayo sa'akin. Pinatira ko kayo dito dahil pamangkin ko kayo at ate ko ang nanay niyo. Iba ang sisingilin ko sa'yo." seryosong sabi nito kaya hindi niya maiwasang mapalunok sa kaba.

Kagat labi siyang humarap sa tita niya at inipit ang pirasong buhok sa likuran ng tenga niya.

"A-Anong k-kapalit p-po?" kinakabahan niyang tanong.

Napakurap siya ng ilang beses ng bigla na lang itong tumawa ng malakas. Mahina pa nito hinampas ang mesa kaya napangiwi siya.

Agad siyang tumingin sa kapatid niya ng kinalabit siya nito.

"Bakit siya tumatawa, ate?" senyas nito habang nakakunot ang noo.

"Hindi ko rin alam, nababaliw na yata siya."

Agad naman nanlaki ang mata nito at marahas na umiling. "Bad ka ate, mali 'yung sinabi mo."

"Eh, hindi ba mga baliw ang tawag sa mga taong tumatawa ng walang dahilan?"

Hindi niya maiwasang matawa sa isip niya dahil sa ka inosentehan ng kapatid niya. Tinitest niya lang ang kapatid kung tama pa rin ba ang isasagot nito sakaniya o hindi.

Baka mamaya ay tinuturuan na siya ng school ng maling asal. Subukan lang nila at makakapatay talaga siya ng walang alinlangan.

"Pero malay mo ate, may malalim na dahilan si tita kaya siya tumatawa, hindi lang natin alam."

Napangiti na siya ng malawak at marahang hinaplos ang buhok ng kapatid.

"Ang galing mo, Kaylan. Proud ako sa'yo," nakangiti niyang sensyas kaya mahinang siyang pumalakpak at puno ng excitement niyang niyakap ang kapatid.

"At sinabi ko bang magyakapan kayo d'yan!?"

Mabilis siyang humiwalay sa yakapan nila at umayos ng upo at humarap sa tiya.

"Sorry po."

Inosenteng nanonood lamang ang kapatid niya at pine pakiramdaman ang paligid.

"Dapat kayong mag-aral ng mabuti at huwag kayo gumawa ng ikakaproblema ko at ng nanay niyo sa ibang bansa. Iyon ang kabayaran niyo sa'akin," seryosong sabi nito at dinala na ang plato niya sa lababo.

Napangiti ng malawak si Kae at sinenyasan ang kapatid na yakapin ang tiya nila. Mabilis naman nitong nakuha ang sinasabi niya kaya ng malakapit ang tiya nila sa pwesto nila ay sinunggaban nila agad ito ng yakap.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now