Chapter 24

2 1 0
                                    

C H A P T E R 2 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Lumipas na ang ilang araw ay patuloy pa rin si Russ sa panliligaw niya kay Kae. Ngunit lagi na lang may asungot, katulad na lang ngayon.

"Sige na please, hindi ko talaga kasi alam gagawin dito. Saglit na saglit lang, I swear," pagmamakaawa nito habang naka dikit pa ang dalawang palad na animo'y nagdarasal.

Tinignan naman siya ni Rus na animo'y nasa kaniya nakadepende ang magiging sagot niya.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ako nanay mo."

Napailing na lang sa kanya si Rus at nawawalan ng pag-asang tumitig sakaniya. Inirapan niya ito ng matalim at padabog na pinag krus ang mga braso.

Sa bawat araw na magkasama sila ni Rus ay hindi na nawala ang babaeng lagi na lang nagpapaturo kay Rus.

Hindi na matapos 'yung tinuturo niya sa babaeng 'to. Konti na lang talaga at masasapak niya na ang babaeng 'yun.

"Look, miss."

Nanlaki ang mata ni Ka eng bigla na lang iginaya ni Rus ang kamay niya palibot sa braso niya. Akmang aalisin niya na iyon ng mahigpit siyang hinawakan ni Russ a kamay,

"Ilang araw mo na kong nilalapitan at nagpapaturo. Mukha bang ako lang classmate mo?" taas kilay na tanong nito kaya napa awang ang bibig nila.

"E-Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong ng babae.

Malakas na bumuntong hininga si Rus. "Try mong magtanong naman sa iba nating classmate kasi kita mo naman na may kasama ako lagi tapos guguluhin mo kami? Have some respect, miss. You're being rude to us."

Ng makitang ni Kae na napahiya at nasaktan ang babae ay napa kagat siya sa labi at mahina siyang kinurot sa braso.

Inaamin niya na naiinis talaga siya sa babae ngunit hindi niya naman papahiyain ito.

"Mag sorry ka," mariin niyang bulong ngunit umiling lang si Rus.

"Kailangan niya ng magising sa katotohanan," bulong niya kaya napailing na lang si Kae.

Halatang walang balak na mag sorry si Rus kaya hinarap niya na ang babae at akmang hihingi na ng tawag ng maunahan siya nito.

"S-Sorry. S-Sige sa iba na ko magpapaturo," kagat labi nitong sabi at halatang tutulo na rin ang luha sa mata niya.

Agad naman na alarma doon si Kae at akmang magsasalita pa ng maunahan na naman siya.

"Ako na magtuturo sa'yo, wag ka ng umiyak," nakangiting sabi ni Maria at inakbayan pa ito.

Halata ang gulat sa mukha ng babae at halatang ayaw pa nito ng malakas na pumalakpak si Rus.

"Yan matalino 'yang si Maria! Siguradong matutunan mo na lahat ng gusto mong matutunan," nakangiting sabi ni Rus at pinag siklop ang kamay nila.

Nasanay na si Kae sa pag hawak na lang bigla sakaniya ni Rus kaya hindi na siya nagugulat. Sa halip ay kumakalma pa siya at may kung anong lumilipad sa loob ng t'yan niya.

Minsan 'nga ay hinahanap-hanap pa ng katawan niya ang init ng balat ni Rus.

"A-Ah, h-hindi na talaga k-kailangan. K-Kaya ko na 'to-"

"Anong kaya mo na 'to? Halos lumuhod ka na 'nga sa harapan ni Rus para lang maturuan ka tapos biglang naging kaya mo? Alam mo tara na, para wala ng oras ang masayang."

Mabilis na siyang hinila ni Maria kaya wala na siyang ibang nagawa kung hindi magpahila na lang.

Nakangiwing pinanood lang sila ni Kae hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now