Chapter 29

4 1 0
                                    

C H A P T E R 2 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Gulat na hinawakan ni Kae ang dibdib niya ng bigla na lang sumalubong sakaniya ang mukha ng tiya niya. Mabuti na lamang at na likuran niya si Kaylan kung hindi ay baka kanina pa siya bumagsak sa gulat.

"Pasensiya na at nagulat kita, Kae. Tara na," nakangiting sabi nito kaya agad niyang kinunotan ito ng noo.

"Tara na!? May pupuntahan ba pba tayo!?" gulat na tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Nakita niya bigla na lang umuwang ang bibig ni Kaylan na animo'y may naalala.Nahampas niya ang sarili niyang noo.

Marahan namang hinawakan ni Kae ang braso ni Kaylan. "Magsabi ka sa'akin, may balak kayo ni tita 'no"

Nakangusong tumango ito at mabilis na ibinalik siya sa loob ng kwarto. Takang tinignan niya lang si Kaylan na humahangos na pumunta sa cabinet nilang dalawa at nagkalkal ng damit niya. Dahil kakagising niya lang at naghihina pa ang buong katawan niya ay hinayaan niya lang si Kaylan.

Nanlalatang umupo siya sa kama at papikit-pikit pa siya. Bigla na lang may damit na humarang sa paningin niya kaya agad niya itong tinignan.

"Ito na lang suotin mo, ate," masiglang senyas ni Kaylan.

Kahit na nagtataka ay tumango na lamang siya at nginitian si Kaylan ng malawak. "SIge maliligo na ko."

Napalakpak ng malakas si Kaylan at hinalikan ang pisngi niya bago siya tuluyang pumunta sa banyo. Hindi niya maiwasang mapangiti ng malawak ng late niya na napagtanto ang ginawa ni Kaylan dahil sa kalutangan.

Agad siyang tumakbo palabas at mabilis na hinalikan sa pisngi pabalik si Kaylan at mabilis na bumalik sa banyo. Kahit na naantok siya ay patuloy pa rin ang pagligo niya. Ng matapos ay agad na rin siyang lumabas.

Napa kurap siya ng ilang beses ng makitang nag-aayos na si Kaylan ng sarili niya. Ang dati siya ang gumagawa ng buhok ni Kaylan, ngayon ay sarili niya na ang gumagawa. Bigla na lamang nanubig ang mata niya ng makitang naayos ni Kaylan ang kwelyo ng polo niya dati ay wala siyang pake doon.

"Ayos na ba, ate?" proud na tanong niya haang naka buka pa ang dalawang braso niya.

He's wearing a clean white polo shirt and brown trousers with matching white rubber shoes. His rubber shoes were properly laced. Her eyes watered even more because of that.

Dati ay kailangan niya pang sia mismo ang mag-ayos 'nun dahil hindi naman marunong si Kaylan.

Malakas siyang bumuntong hininga at malawak na nginitian ang binata. Pinakita niya ang dalawang hilalaki niya. "Ang galing mo na."

Proud na proud namang umiikot si Kaylan, parang kinakausap ang sarili kaya agad na siyang tinalikuran ni Kae at inayos na rin ang sarili kahit gusto niya pang umiyak.

KIta niya na mariin na pinapanood ni Kaylan ang bawat galaw at pag-aayos niya sa sarili kaya napangti na lang siya. HIndi niya na mabasa pa ang nasa isip ni Kaylan kaya hinayaan niya na lamang ito.

Ng makuntento na siya sa ayos niya sa sarili ay agad na siya tumayo at akmang aayusin na mga kalat niya ng si Kaylan na ang gumawa. Akmang pipigilan niya na ito ng mag sensyas ito.

"Maghanap ka na lang ate ng sapatos na susuotin mo kasi baka nawawala na naman 'yun. Matatagalan pa tayo kaya sige na." At mahina siyang tinulak at tinuon na ang pansin sa pag-aayos.

Tumango na lang siya at hinahanp na ang sandals niya. Ang buong akala niya ay mahihirapan siyang maghanap ng sandals niya ngunit nasa bungad lang pala kaya kinuha niya na agad iyon a sinuot.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon