Chapter 28

3 1 0
                                    

C H A P T E R 2 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ikaw 'nga mag translate kung ano 'yang sinasabi ng kapatid mo," kunot-noong ng tita niya ng makitang panay ang senyas ni Kaylan habang nanonood sila ng drama.

Malakas na bumuntong hininga si Kae at sumandal sa sa. "Mga reaction niya lang 'yan sa palabas. Wag niyo na pong masyadong intindihin."

Laking pasasalamat niya at hindi na nag pumilit ang tiya niya na magtanong pa ukol sa kapatid niya. Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga pinapansin ang kapatid.

Sadyang nagpapahupa pa siya ng tampo sa kapatid. HIndi niya pa talaga kaya itong kausapin dahil feeling niya ay sobrang laki ang nagawa niya ditong kasalanan.

Agad na iyang tumayo kahit nasa kalagitnaan pa lamang sila ng drama.

"Saan ka pupunta? HIndi pa tapos 'yung drama?" tanong ng kaniyang tita at dumiretsyo ng upo.

Malakas na bumutong hininga si Kae at tipid na ngitian ito. "Hindi ko na maintindihan 'yung drama. Magpahinga na lang po ako."

Hindi niya ito hintay pang makasagot at mabilis na pumasok sa kwarto nila. Pabagsak niyang hiiga ang katawan at tinignan mga notifications. Agad siyang napairap ng puro si Rus lang ang pumuno ng notifications niya.

Bigla naman pumasok sa isip niya na nanliligaw 'nga pala sakaniya ang binata at sa pagkakaalala niya ay 3 buwan na ito nanliligaw ngunit wala man lang siyang nakitang kahit anong negatibong pagbabago sa ugali o pakikitungo ni Rus sakaniya. Mas lalo pa 'nga itong naging comportable sa kanya at halos lahat ng iba niyang ugali na hindi naipapakita sa iba, ay napakita niya na kay Kae.

Hindi naman manhid si Kae para hindi maramdaman na nahuhulog na siya sa binata ngunit laging pumapasok sa isip niya na hindi niya deserve si Rus.

He's too perfect for her.

Akmang bubuksan niya na ang mga notifications ni RUs ng bigla na lang nag bukas ang pintuan ng kwarto nila kaya agad niyang nilingon iyon. Ng makitang si Kaylan lang pala iyon ay binalik niya na lamang ang tingin sa phone niya.

Ngunit agad na nanlaki ang mata niya ng makitang nakaluhod na si Kaylan sa harapan niya habang magkadikit ang dalawang palad.

Mabilis niyang binitawan ang phone niya at mabilis na hinawakan ang braso ni Kaylan, Pinapatayo niya ito ngunt masyado itong nagmamatigas.

"Ano bang ginagawa mo!?" puno ng frustasyon niyang tanong.

At ang sunod na sinenyas nito ay tuluyang magpalambot at nagpatunaw sa puso niya.

"Sorry ate sa lahat ng nagawa kong mali. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit hindi mo ko pinapansin ng ilang araw. Sorry ate, please pansinin mo na ko. Para na kong mababaliw, ate. Lahat gagawin ko para lang pansinin mo ko ulit, sabihin mo lang ate. Nag mamakaawa ako sa'yo." KInikiskis pa nito ang dalawang palad habang patuloy ang paglandas ng mala gripo nitong luha sa makinis niyang pisngi.

Malakas na bumuntong hininga si Kae at pinilit ang sarili na huwag tuluyang lumuha ng maramdamang naninikip na ang lalamunan niya.

"Huwag mo kong luhuran, Kaylan. Tumayo ka na d'yan." Hinawakan niya na muli ito sa braso ngunit hindi parin ito tumatayo.

Puno ng frustasyon niyang tinitigan ang kapatid na panay ang iling. Wala na siyang ibang magagawa kung hindi manghinang umupo na lamang sa kama dahil wala namag balak si Kaylan na tumayo.

"Nahihirapan ka na ba sa'akin, ate!? Sorry. Pangako, pipilitin ko ng magpigil ng galit simula ngayon ate. Pangako hindi na ko gagawa ng kahit ano mang bagay na nakakasakit sa ulo mo. Ate patawarin mo na ko, nagmamakawa ako sa'yo. HIndi ako sanay na hindi mo ko pinapansin. Hindi ako sanay na walang yumayakap sa'akin at kinkantahan ako bago matulog. HIndi ako sanay na walang gugulo ng buhok ko kapag pupunta na ko sa room. Hirap na hirap na ko, ate. Please, wag na tayo mag-away. Pansinin mo na ko," nag mamakaawang sabi nito habang humahagulgol ng malakas.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now