Chapter 30

3 1 0
                                    

C H A P T E R 3 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Mariin na nakagat ni Kae ang labi niyang habang nakapalibot ang kamay niya sa braso ni Rus. Hindi siya sanay sa tahimik nitong bibig, kasalanan niya naman kaya nananahimik ngayon si Rus.

Nakalimutan niya ang araw na dapat magkasama silang bibili ng damit nila ngunit sa kasamaang palad ay nakalimutan niya at nakatulog siya magdamag dahil sa pagod.

"Bakit ang tahimik niyong dalawa?" natatawang tanong ni Maria ng mapansin na tahimik lang ang dalawa na nakaupo sa gilid.

Napanguso si Kae habang si Rus naman ay tumitingin lang sa malayo. Napangiwi na lang si Maria at mahinang sinipa ang paa ni Kae sa ilalim ng mesa.

"What happened?" she mouthed.

Hindi na iyon sinagot ni Kae at mas piniling bumuntong hininga na lamang saka yumuko muli. Kung bati lamang sila ngayon ni Rus ay baka kanina pa sila nag-aagawan ng kakainin at inumin.

Palihim na pinasadahan ng tingin ni Kae ang buong paligid. Puno ng usok at mga sigawan ng tao ang paligid. Kahit natatakpan ng mga usok ang paligid, kitang-kita pa rin ang mga nag make out sa gilid at naghahalikan.

Mariin na napapikit si Kae ng may muntik na siyang mahagip. Mabilis na siniksik niya ang ulo sa braso ni Rus.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Rus ng mapansin niyang parang may tinataguan si Kae.

"Muntik na kong makakita ng sawa," naiiyak na sabi niya.

Mabilis namang pinatong ni Rus ang malaking palad sa ulo ni Kae upang idiin ang ulo nito nasa braso niya. "Huwag ka kasi tingin ng tingin kung saan-saan."

"Eh bakit ikaw?"

Akmang iaangat ni Kae ang ulo ng mas lalo pang idiiin ni Rus ang palad niya sa ulo nito. Napanguso na lang siya at sinandal na lamang ang ulo sa balikat nito saka pumikit.

"Hindi naman ako nakatingin sa paligid."

Kumunot ang noo ni Kae at buong lakas na inangat ang tingin kay Rus. "Huh? Saan ka nakatingin?"

"Sa'yo."

Parang nabulunan naman si Kae dahil sa narinig at dahan-dahan sinundan kung saan nakatingin si Rus.

When Kae noticed a giant mirror not far away, where the two of them could be seen perfectly, her heart began to pound violently. Their height gap was still obvious even when they were both sitting. And everybody who observes them will think they are in relationships.

Kanina pa talaga nakatitig doon si Rus, simula pa lamang na nakarating sila.

Agad na kumalat ang pula sa mukha ni Kae kaya sigurado siya na makikita iyon ni Rus. Mabilis niyang binaon ang mukha sa braso muli n Rus.

Imbis na magpatuloy sa pagtatampo, hindi na napigilan ni Rus ang sarili na mapangiti na parang baliw, dahil iyon sa pamumula ng mukha ni Kae.

"Gosh, you're so adorable, I can't resist you," he whispered helplessly.

"Kasalanan mo 'to," inis na sabi ni Kae.

Malakas na natawa si Rus at hinarap ang katawan kay Kae saka niyakap ito ng mahigpit. Awtomatikong pinalibot ni Kae ang braso niya sa leeg ni Rus at binaon ang mukha sa leeg ni Rus.

Amoy na amoy niya ang panglalaki na pabango nito na nakakapagpakalma ng buong sistema niya.

Rinig na rinig ni Kae ang pag-aasar ng mga dating classmate ni Rus sa kanilang dalawa ngunit hindi niya na pinansin iyon at mas lalong binaon pa ang mukha.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon