Chapter 17: Target 4

318 33 8
                                    

Zander is at Stationery, Book Cafe

Target 4 is 6 meters away.


Bakit.

Bakit may book cafe sa loob ng stationery? Wala to dati ah.

"Daisy, may idea ka kung sino ang fourth prince?" Sabi ko sa phone ko. I decided to pretend that I am in call when I try to talk to Daisy when I'm in public. It's more convenient and people won't think I'm crazy.

"Wala. Kailangan mo pang i meet ang targets para malaman ko ang information nila."

"Ha? Akala ko ba taga-system ka? Diba dapat alam mo yun?"

"Taga-guide lang kami. It's up to our host how they'll manage their missions."

Mahina akong tumango. "Ah, I see."

By the way, nandito ako sa isang book cafe. Ang tahimik kaya pwet ko lang ang nakakarinig sa fake call ko sa phone. Maraming namimili ng books at marami ding nagbabasa.

Namili din ako kunwari.

Fair Reminder!

Target left the place.
Target 4 is 18 meters away.


ANO? CAN'T YOU STAY YOUR ASS IN ONE PLACE? Ang hassle naman ng target na to.

"Ano na Zander? What if kargahin nalang kita-"

"Wag na, mamamatay tayong dalawa."

"HAHAHAHAHA sige sige. Takbo ka nalang ulit Zander."

Tumakbo ako patungo sa direksyon ng target. I wonder kung bakit siya nakaka-abot ng ganito kalayo in a short amount of time.

Target 4 is going back to Book Cafe.
Target 4 is 8 meters away.
Target 4 is 12 meters away.
Target 4 is 4 meters away.

Halos mahulog ko ang mga mata ko pagkatapos kong makita ang nasa hologram. ABA BWISET AH. AMETHYST'S LEGS ARE WAY TOO SHORT FOR THIS SHIT.

'DAISY, MAY SIRA BA ANG SYSTEM? ANONG NANGYAYARI?'

"Wala pa naman akong na eencounter na sira in my whole existence sa white system. Wait check ko lang." At yun nga nawala si Daisy, pumasok sa system.

Kahit naiinis, tumakbo ulit ako papunta sa direksyon ng book cafe. Hingal na hingal na ako pero hindi parin ako nakakarating sa loob ng cafe.

Warning!

Target is approaching!
Target 4 is 4 meters away!
Target is 3 meters away!
Target is 2 meters away!
Target is 1 meter away!

[Host closed the wall]

"Get out.......asjldljksk"

H-huh?

"GET OUT OF THE WAY!"

Before I could even react, may narinig akong malakas na boses sa likod ko. The next thing I knew is bumagsak ako sa sahig tapos may bumagsak ding tao sa gilid ko. Tumingin ako sa paligid, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Agad akong tumayo.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now