Chapter 10

327 28 2
                                    


Zander

Target 1, Basic Information

Full Name: Ace Havrov Santiago Felix
Age: 20
Height: 6'3
Title: Crown Prince
Job: Student, Law Department——

Tsk. Ang boring naman ng profile niya. Except sa prinsipe siya ng bansa, wala namang ibang interesting sa kanya. Oo na't may itsura nga siya, mas gwapo naman ako.

Pinindot ko ang hologram na nasa harap ko. Agad itong nawala pagkapindot ko. Haist, ang boring naman.

Napagdesisyunan kong pumunta sa pinakamalapit na computer shop sa village. Lumabas ako sa bintana ng mabaho kong kwarto bago pumuslit papalabas. Mabuti nalang at hindi nagtaka si Lucia dahil sa madalas na pagkawala ko sa mansyon. Aish, they don't care anyways. Kahit pa siguro mamatay si Amethyst, mag-cecelebrate pa sila.

Tumakbo ako sa mga bubong ng bahay. Nuong nakarating na ako sa bubong ng katabi ng computer shop ay agad akong bumaba.

Pagbaba ko ay pumasok na ako sa malaking computer cafe. Isang malamig na hangin galing sa aircon ang sumalubong sa akin. Madaming nag-lalaro. Lahat ng sulok ng silid maririnig mo ang mga tawanan at muraan.

"Bata, nandito ka na naman?"

Napatingin ako kay boss Ta. Siya ang may-ari ng computer shop na palaging pinupuntahan ko kapag may oras.

"Naks naman boss. Parang pinapalayas mo na agad ako, hindi pa nga ako nakapaglalaro." Pabirong sabi ko sa kanya.

"May pera ka ba pang online?" Tanong niya.

"Eto oh," Sabi ko sabay abot ng pera. Tanong niyo kung saan ko kinuha ang pera? Ninakaw ko sa wallet ni Lucia. Alam ko namang masama pero dati naman akong masama. AHAHAHAHA.

"Parehong unit parin, bata?"

Tumango lang ako bago pumunta sa pinakadulong computer. Medyo tago ang pwesto ko kaya hindi mo ako basta-bastang mapapansin.

Kung magtatanong kayo kung nasaan si Daisy, sabi niya mag-uupgrade daw siya kaya mawawala daw siya ng ilang araw. Dahil wala si Daisy na maingay at gumugulo sa akin, na bored ako kaya napagdesisyunan kong gumawa ng pera.

Although simple cases lang naman ang ginagawa ko, gaya ng mag-track ng nawawalang cellphone, mag-track ng nawawalang mga pets, alamin kung nasaan ang location ng mga jowa nila, i-hack ang cellphone ng mga boypren nila at kung ano ano pang ka-jejehan. Siyempre, anonymous ang identity ko.

Malapit na ang school. Nag-drop out na ako sa nakakadiring university ni Amethyst dati.


Wrote this back on 2020 lol. That was the time when I was obsessed with harems and reverse-harems. This whole story just slapped the shit out of me, reminding how cringe I was (still cringe now but ok).

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now