Chapter 9

372 29 0
                                    

ZANDER

Kinakabahan, mahina kong kinatok ang pinto ng examination room. Hindi ako kinakabahan dahil sa exam, kinakabahan ako dahil late na ako. Eh ito ba naman kasi si Daisy, pinunit ba naman daw ang mapa ng school na kinuha ko sa faculty. Sabi niya alam na daw niya ang pasikot-sikot dito pero anong napala namin? Malamang naligaw.

Nagtago si Daisy sa white system pagkatapos ko siyang bigyan ng mahigpit na piga. Natakot siguro. Na-guilty tuloy ako.

De bale na. Bilhan ko nalang ng limang stick ng fishball mamaya.

Pero anyways, let's get back to reality. Hindi ko kasama si Daisy. Walang madaldal na pusa ang mag-ga-guide at mang-iistorbo sa akin.

Napalunok ako nang bumukas ang pinto at humarap sa akin ang isang babaeng nasa mid-20's tapos nakataas ang kilay sa akin. Must be the prof. Infairness ha, ang ganda niya. Ang sexy pa, pwede nang maging girlpren-

"It's rude to stare. The exam will start any moment now so if you want to continue, get inside already before I decide to kick you out." Mataray na sabi niya.

"Ehem. I'm sorry for the inconvenience." Napaubo ako bago pumasok sa room.

Pagpasok ko, all eyes are on me. Most of them eyes are checking me out (not sexually) but more like, judging me. Wala naman akong pake kaya humanap nalang ako ng upuan. Saktong merong bakante sa likod kaya duon nalang ako umupo.

Ilang sandali ay tumayo na si teacher ganda sa harap habang dala-dala ang isang bundle ng test papers.

"Ganda talaga ni maam Cheska no?"

"Bukod sa Fourth Elites, isa din si maam Cheska sa mga dahilan kung bakit ako nag-enroll dito."

"Sana maging teacher natin si maam Cheska!"

Bulong-bulungan ng paligid. Maam Cheska?

"Good morning. I know some of you already know me but I want to introduce myself. I'm Winter Cheska Santillan. An engineering doctorate from mechanical engineering department. I'll be your advisor for today. The exam will start in a minute. Good luck."

Tumahimik nalang ako. Maganda si maam, pero sobrang bata pa niya sa akin. Men, 23 na kaya ako na na-trap sa isang 19 year old idiotic girl.

Parang sinabi ko na, ang tanda-tanda ko na.

May nag-distribute ng test paper. Nung nabigyan ako ay agad ko iyong ini-scan. Tumingin ako sa iba at ganun din ang ginawa nila. Yung iba pa nga, umiba ang timpla ng mukha pagkatapos makita ang test paper.

Teka, paano ba sasagutin to? Hellow? Me bolpen kayo? Pahiram?

"ZANDER!"

Natumba ako mula sa pagkakaupo dahil sa biglaang paglitaw ni Daisy sa harap ko. Shet, ang sakit ng likod ko. Ilang ulit ko bang sasabihin na wag siyang mag-surprise meet. Patay ka talaga sa akin pusa ka.

"Hala, Zander okay ka lang?" Tanong ni Daisy sabay lapit sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Is everything ok back there? Magsisimula na ang exam."

Nagulat ako ng mag salita si maam Cheska. Agad kong itinayo ang upuan ko na para bang walang nangyari.

"Zander, may nakita akong ballpen."

Tumingin ako sa kanya. May dala-dala siyang kulay black na ballpen. So hindi pala siya bumalik ng white system. Naghanap pala siya ng ballpen. "Normal na ba yan?" Bulong ko.

"Oo. Kinuha ko ito sa silid na may sign na Principal's Office."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Principal's Office?"

Zander. Ang importante, may ballpen ka. Okay? Uutusan ko nalang si Daisy na ibalik mamaya.

Kinuha ko ito kay Daisy. "Thanks." Bulong ko.

"You're welcome, dearest guest. Balik muna ako ng white system. Inaantok na ako eh. Goodluck!"

Sinimulan ko ng sagutan ang test paper. Sus, parang pang grade one naman to. Easy.

Just kidding. I already learned this all in high school. I have good memory so I can remember mostly everything.

After 13 minutes ay nasagutan ko na lahat kaya tumayo ako at lumapit kay maam Cheska na naka-upo lang sa table habang pinapanuod kami.

"Oh, do you need something?" Mataray niyang tanong sa akin.

"Uh, magpapasa lang po ako ng test paper."
Mahina pero sapat na para marinig ng lahat.

Ngayon nakatingin silang lahat sa amin. "Are you kidding me? Kakasimula palang ng exams. O, ayaw mo lang talagang pumasa dito?" Naka-kunot ang noong sabi niya.

I gave her my sweetest smile. "Check it yourself, maam." Sabi ko sabay lapag ng test paper sa lamesa.

"I'll be excusing myself. Bye, maam." Sabi ko at tahimik na lumabas ng room.

KUMUNOT ang noo ni Cheska habang naka-tingin sa pintong nilabasan ng misteryosong estyudante. Binaling niya ang kanyang mata sa test paper na nakalapag sa lamesa.

What a rude guy. Sa tingin ng lalaking iyon, mauuto niya ang isang Cheska Valender? Ngayon niya lang napansin na naka-tingin pa pala ang mga estyudante sa gawi niya kaya agad niya itong sinigawan. "Go back to answering!"

Kinuha niya ang test paper at binasa ang pangalan ng may-ari ng papel. Lumaki ang mata niya sa gulat nang makita ang pangalan nito.

Amethyst Lusine Lin

Kahit anong angulo tingnan, pambabae talaga ang pangalan ng lalaki kanina.

So ibig sabihin, babae siya? Bakit panlalaki ang suot niya? Lesbian?

Mas lalong nanlaki ang mata ni Cheska nang makita ang mga sagot sa test paper. Ilang ulit niya itong binasa.

'Sino ka ba, Amethyst Lin?'

Zander's PoV

Umalis na ako sa university at naglakad sa pinakamalapit na park. Bago ako sa mundong ito. Kahit na napasaakin na ang mga ala-ala ni Amethyst, wala parin siyang masyadong alam tungkol sa lugar na ito dahil palagi naman siyang nakakulong sa bahay.

Pagkarating ko sa park ay agad akong umupo sa bench. Maganda dito dahil tahimik at peaceful. Marami ding mga puno at chill kaya makaka-pagrelax ka talaga.

'Daisy? Hoy, tulog ka pa ba?' tanong ko pero ang narinig ko lang ay 'Fishdaaaa,' Ewan ko nalang kung anong kaabnormalan ang ginagawa ni Daisy.

Bago ako makapasok sa WEN International, kailangan ko munang mag-drop out sa previous school ni Amethyst. Balak ko ding humiwalay sa mansyon para hindi ko makita palagi ang toxic na mag-ina.

Pero, saan ako tutuloy? Walang pera si Amethyst.

Kung nasaan man ang kayamanan ko, makakatulong talaga sa akin yun.

Kung nasa parehong mundo parin ako, malaking tulong ang condominium na binili ko noon at ako lang ang nakaka-alam kung nasaan.

Duon ako nagsasagawa ng katarantaduhan. One time bored ako, hinack ko nalang ang system ng CIA at nag-iiwan ng 'UR GAY' message sa monitor nila para hindi nila ma-report. Tangina, sinong mag-rereport ng ganun? Tsaka, I don't have to worry anything. Hindi nila matratrack ang IP address ko.

Anyways, here's what I'm going to do:

1. Drop out from Amethyst's school.

2. Leave Lin's mansion and find a place to stay.

3. Find my hidden condominium.

4. Make money (use my computer skills).

I still have 3 weeks before college starts. All needs to be done before that.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now