Chapter 5

455 72 16
                                    

Handsome Lady Heroine's PoV

"Zander......yuhoo? Zander wakey wakey!"

Naalimpungatan ako ng may narinig akong boses. Hindi kaya si Daisy na naman ito? Hindi ba niya alam na pagod ako dahil sa ginawa ko kagabi? Gusto niya ba ng mahigpit na piga? Matinis pa naman ang boses niya at ang sakit sa tenga.

"Ay. Bakit ayaw mong gumising? Zander gising na or else guguhitan ko ng smiley ang mukha mo."

Aish. Bakit ang ingay ng pusang to. Nagawa pa akong i-threaten ng ganun eh pwede ko naman siyang pitikin ng malakas.

"Hindi natakot? Ay naman. Ah! Baka hindi ka nakakaintindi ng tagalog! Sige nga. Why you not wakey? You why sleep in tulo laway?"

Luh. Kailan pa naging wrong grammar si Daisy? Eh mas best in english pa yun kesa sakin eh. Tsaka ko lang napagtanto na hindi pala boses ni Daisy ang nagsasalita. Sino kayang bobong poncio pilato ang gustong sumira ng tulog ko gamit ang wrong grammar words?

Binuksan ko ang isang mata ko at nakita ko ang isang pigura ng babae. Teka, babae?

Dumilat ako at nakita ko si.......Amethyst?

"Hehe! Sabi ko na nga at englishero ang isang to. Hellow!"

Natulog ba akong may salamin sa harap? O baka may nag-prank sa akin? Bakit ko nakikita ang mukha ni Amethyst? Totoo bato?

"Ame....... Amethyst?" Mahinang bulong ko.

"Sa wakas gising kana! Hi Zander."
Nakangiting sabi niya.

Teka, totoo bato? Si Amethyst......buhay siya? Paano ako? I sounded so selfish but I want to live too.

"Hindi na ako magtatagal pa, Zander. Gusto ko nang maging isa sa hangin." Nakangiting wika niya.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

"Salamat, Zander. Ingatan mo ang buhay mo. Mauuna na ako. Ba-bye!" Masiglang sabi niya.

"Teka lang, sandali! Amethyst!"

Unti-unting nilamon si Amethyst ng isang liwanag. Tatakbo na sana ako para sundan siya pero natigil iyon ng makarinig ako ng isang tambol.

"DEAREST GUEST GUMISING KA NA!"

Nagising ako dahil sa matinis na boses ni Daisy at dahil sa ginawa niyang paghampas ng dalawang cymbals sa harap ko. Asan naman kaya nagmula ang cymbals? Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Daisy.

Weird. May napanaginipan ako pero hindi ko matandaan.

"Gising na. Madami ka pang aasekasuhin."
Striktong sabi niya.

Bumangon ako at nagtungo sa bathroom. Maliligo na sana ako kaso wala man lang sabon dito. Haist.

"Daisy, may shampoo ang white system? Penge naman ako."

"Meron. Wait lang."

Biglang nawala si Daisy. Pumasok siguro sa white system. Bigla na lang lumitaw si Daisy sa harap ko dala ang isang shampoo at isang body wash. "Thanks."

Nagtagal ako sa cr dahil naiilang parin ako sa katawan na ito. Imagine, ikaw na isang lalaki na naging babae tapos makikita mo ang katawan niya kapag naliligo. Nakakailang kaya. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Sa same room lang pa din naman ako natulog.

Nagtaka din ang iba sa pagbabago ng ugali ni Amethyst. Mas lalong nakapagtataka ay bakit walang fire burns ang buffet table. Bahala na silang sumabog sa kakaisip. Basta ako gutom ako.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now