Prolouge

1K 87 37
                                    

"THE NEW GUEST HAS ARRIVED. SYSTEM STARTING."

Iminulat ko ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang isang nakakasilaw na liwanag. Pumikit ako ulit para maka-adjust sa liwanag. Binuksan ko ito ulit at nakita ko ay purong puti.

"What the. Nasaan ako?" Nilibot ko ang paningin ko sa lugar ngunit walang-hanggang lugar lang ang nakita ko. Wala man lang isang langaw ang makikita.

Nagulat ako sa nakita ko sa paanan ko. White smoke covering the infinite realm I'm standing. The atmosphere here is so bright yet so dull. The sky is clear and blue, not even a cloud insight. Siguro bumaba silang lahat sa sahig?

It's cold in here and the silence is deafening.

"Anong klaseng lugar to?" Gulat na sabi ko. Medyo giniginaw ako kaya niyakap ko ang sarili ko.

Teka, paano nga ba ako napunta dito? Anong nangyari? Is this a dream? This is sure a weird dream.

Natigilan ako ng matandaan ang nangyari sa akin kanina. Kagagaling ko lang sa victory celebration namin. Nanalo kasi kami sa Gamer's League. Medyo nakainom ako nun. Tumawag si mama dahil dumating daw si papa, hinahanap daw ako. Minsan lang makauwi si papa kaya kahit nakainom ako ay nagdesisyon akong mag-drive pauwi. Pero bago ako maka-uwi ay binangga ang kotse ko ng isang ten-wheeler truck. Sa lakas ng impact ay nahulog ang kotse ko sa bangin patungo sa dagat.

What the fuck? So ibig sabihin patay na ako? I'm dead? I'm really dead? Nasa impyerno na ako? Jusko po, patawarin niyo po sa mga kasalanan ko. Kaya ko pang magbago! Gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang makasama ang pamilya ko! Shit, hindi ko pa nga nahanap ang magiging asawa ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Alam kong dapat nasa impyerno na ako dahil sa mga kagaguhan ko pero parang kabaliktaran naman ang lugar na kinaroroonan ko ang impyerno. Baka nasa langit ako? Pero parang ako lang naman ang tao este multo dito.

Pero susubukan ko parin. Baka nagtatago lang sila dito. "Hello? Is anyone here?"

"Hi!"

Natumba ako dahil sa gulat. May lumitaw kasi sa harapan ko na pusa? Pusang lumilipad?

Pusang lumilipad.

WHAT THE ASDFGHJK-

"Welcome, guest." Sabi ng pusa sa akin tapos lumapit. Agad naman akong gumapang paatras. "What kind of creature are you? Don't get near me!" Sigaw ko sa kanya.

Parang hindi siya pusa, isa siyang kitten. Kulay grey ito at may maliit na pakpak. May hawak itong parang maliit na wand na may isda sa taas. Hindi naman siya nakakatakot. Ang cute nga niya pero BAKIT SIYA NAKAKALIPAD AT NAKAKAPAGSALITA?

"Hay. Mga tao naman talaga. Bakit parehas kayo lahat ng reaksyon tuwing nakikita niyo ako? Ganun ba ako katakot? Ang cute ko nga eh." Sabi ng pusa at lumipad ulit palapit sa akin. I crawled backwards again.

"Wag kang lalapit sabi eh!" sabi ko sa pusa pero binelatan lang niya ako. Aba, walang manners.

"Tumayo ka na nga diyan." Sabi ni pusang maliit na naka-cross arms pa.

Ngayon ko lang naalala na nakaupo pa ako sa cloud na sahig or whatever you call it. Nakakahiya. Tumayo ako at humarap sa nakasimangot na kuting.

"Nasaan ako? Sino ka? Ano ka?" Diretsang tanong ko.

"Teka, time out muna. Una, magpapakilala muna ako." Sabi ng maliit na pusa. Ang liit ng boses niya. Ang sarap din kurutin ang pisngi niya.

"Ako si Daisy, ako ang napiling guide ng White System para tulungan ka. For your third question, isa akong batang pusa na may pakpak."

White system? Never heard of that before.

"Para sa ikalawa mong tanong, nandito ka sa loob ng White System. You should be grateful. Isa lang sa kada isang bilyong taong namamatay ang nabigyan ng pagkakataong makapasok sa White System."

"So ano namang nakakatuwa sa pagkapasok ko sa system nato? Patay na ako. How can I be glad? As if this system can bring me back to life."

Ngumiti ang pusa o si Daisy na ikinainis ko lalo.

"Exactly! That's the purpose of the White System. It can bring you back to life."

"What? Seryoso ka?" tanong ko tapos tumango naman siya.

Agad nakuha ni Daisy ang atensyon ko. "How?" seryosong tanong ko.

Ngumiti si Daisy sa akin. "Simple lang. Just complete a task and then boom! Either your soul will come back to your body or you will have another body for your soul to enter."

"Ano ang task? Tell me! I'll do everything." Desperadong sabi ko.

I hate to admit but I miss my family and friends. The world is cruel but at least I have people that cares for me like I care for them.

Especially my sister.

"Talaga? Lahat?" Asked Daisy. I nodded in response.

"Then, your task will be simple. All you need to do is to make 4 targets fall in love."

Ngumisi ako pagkatapos kong marinig yun. Fall in love? I'm an expert at making girls fall in love with me. Well, not to brag but it is what it is.

"That's easy. Making girls head over heels about me is my thing. Kailan ako magsisimula?" Confident na sabi ko.

"Teka lang, hindi pa ako tapos, guest. Sinong nagsabing babae ang pa-iibigin mo?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. I'm confused.

"What do you mean?"

"You'll be making four handsome guys fall for you. Do you accept the task or not? Hmmn, Mr. Zander? Are you man enough to complete this?"






A/N: Hi, author here. This is currently under revision so I might add and change a little bit of the story. I just want to see if my writing skills improved. Don't worry, the plot is still intact and the changes won't mess up the book.

I know I said I'm going to edit this, pero mahirap kalabanin ang katamaran kaya kinampihan ko nalang.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now