Chapter 1

679 77 56
                                    

ZANDER

Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala. Parang totoo talaga. Namatay daw ako at napunta sa White System at nakilala ang isang madaldal na maliit na pusa na lumilipad. Tapos ang task ko ay pa-iibigin ang apat na kapwa ko lalaki. Yuck. Di naman ako homophobic pero di kasi ako bakla.

Hay, nababaliw na talaga ako.

Aalis na sana ako sa kama ko nang may mapansin akong mali. Ang kamay ko, parang may mali. Parang kamay ng babae.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Ngayon ko lang na realize na hindi sa akin ang kwartong ito. Nagkalat ang mga basura ng mga junk foods, laruan at naka-on din ang tv. Maraming posters ni Garfield at ni Tom and Jerry. Maraming Spongebob at Patrick the star stickers ang nakadikit kung saan. Medyo mainit kasi wala namang aircon. Electric fan lang tapos hindi pa naka-on.

May mali talaga eh.

Fuck, bakit ba ako nandito? Parang kwarto ito ng bata. Paano ba ako napunta dito? Hindi naman siguro ako kinidnap ng mga unggoy kong kaibigan at iniwan dito?

Bumaba ako sa kama ngunit natigilan nang meron akong naramdamang yumanig.
Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Agad kong kinapa ang dibdib ko. Bakit malambot?

WHAT THE FUCK.

Bakit ako may boobs?! Nasaan na ang matigas at pormado kong dibdib? Ibig sabihin totoo lahat ng nangyari?!

Hahaha. Nababaliw na talaga ako, napaka-imposible HAHAHAHA–okay Zander, stop pretending that this is all a dream. Si Daisy! Alam niya kung paano to. Asan na ba ang gusgusing pusang yun?!

"DAISY!" tawag ko.

Agad namang lumitaw si Daisy sa gilid ko.

"Oh, gising kana pala dearest guest-" Bago pa man siya makatapos ay agad ko siyang hinablot at piniga ng mahigpit.

"Ouchy! Let go of me you demon!"
naiiyak na sabi ni Daisy habang pilit na kumakawala sa kamay ko.

"Sabihin mo, kaninong katawan to? Bakit naging ganito?" Frustrated na tanong ko sabay turo sa didbdib ko. "Sasagutin lang kita kapag binitawan mo na ako." Hirap na sabi niya.

Binitawan ko siya at humihingal siyang humarap sa akin.

"You demon! Masakit yun alam mo ba?"

"Answer me." seryosong sabi ko.

Parang natakot naman siya sa tono ng boses ko. "Umoo ka naman sa gagawin mong task diba? Kaya eto."

Sabi niya sabay turo sa akin. "Kailangan mong paibigin ang apat na targets, using that body. Alangan namang gamitin mo ay lalaking katawan. That would be very weird."

"Unless you want to this story to be BL..."

"Did you say something?" Tanong ko. I heard Daisy mumbling something I could not understand.

"Ah wala yun, guest!"

Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero ang hindi ko matanggap ay bakit naging ganito ang buhay ko? Ang hirap nito.

"Kaninong katawan to?" tanong ko.

"Wait, sandali lang. Host's data is being processed."

Isang saglit lang ay may lumitaw na document sa harap ko. Para siyang hologram dahil tumatagos lang si Daisy.

"Ang pangalan ng host ay si Amethyst Lin, 19 years old. Binansagan siyang stupida at isip batang babae ng pamilya niya dahil tunay na walang kwenta si Amethyst at ang alam lang gawin ay ang maglaro. Hindi klase ng laro sa computer kundi laro ng mga bata. Isip bata, kumbaga. Palaging nasa hulihan ang ranking sa honors at walang may halagang talent. At ang special skill niya ay kaya niyang matulog ng 72 hours straight."

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now