Chapter 3

481 82 25
                                    

ZANDER

Natataranta na ako. Bakit ba kasi ngayon pa? May mission pa akong tatapusin! Hindi na ako makakapag focus sa pagpapahiya sa bwisit na Chanel na iyon.

WARNING! WARNING!

Target Prince number 1 is nearby!

Sa katarantahan ko ay nasuntok ko ang hologram. Nawala naman agad ang kulay pulang hologram na lumitaw sa harapan ko.

I need Daisy! Iba kasi kapag nandito siya sa tabi ko at pagsasabihan ako. Pero kapag lumitaw siya dito, hindi kaya mag-papanick ang mga tao? "Daisy!" Mahinang sampit ko.

"Yes dearest guest?!"

Hindi na ako nagulat ng bigla balang sumulpot si Daisy sa harap ko. Ibang-iba na siya kumpara kanina. Mukhang na-energized na siya.

"Paano to Daisy? Malapit sa akin ang first target! Ano na ang gagawin ko?!" frustrated na sabi ko.

"Kalma ka lang, guest! Focus muna sa mission, okay?" pagpapakalma sa akin ni Daisy.

May isa pang bagay ang gumugulo sa akin. "Daisy, hindi kaba nakikita ng iba?"

Nag-crossarm si Daisy at sumimangot. "Ano sa tingin mo?" Malditang sabi niya.

Tumingin ako mula kaliwa at kanan. Normal naman ang lahat. Mukhang ako lang talaga ang nakakikita sa kanya.

"Wag ka munang mag panic. Puntahan mo na ang bad na Chanel na iyon! Go!"

Inikutan ko lang siya ng mata at nagpatuloy na sa paghahanap kay Chanel. Haist. Nagiging bakla na talaga ako. Kailan pa ako natututong mag-ikot ng mata? Ah, simula nung naging babae ako.

Nakita ko si Chanel sa may pool side kasama ang mga kaibigan niya na mukhang clown sa kapal ng makeup. May katabi ding lalaki si Chanel at parang naglalandian sila. Tsk. Ang panget naman ng taste niya.

Teka nga. I remember him. Kilala ko ang lalaking kalandian ni Chanel. Ang pangalan niya ay Kian Ramos, isa siya sa mga nagpapahirap kay Amethyst sa school. Hmm, okay lang naman siguro na isali ko siya sa laro ko diba?

Nilapitan ko sila. "Hi mga ate!" bati ko sa kanila at nagulat naman sila.

"Amethyst? What are you doing here?  Go back to your room, sweetie." To other people, it might sound really sweet and caring but for me it's the opposite. It sounds threatening. Na threaten ba ako? Of course not.

Pinasigla ko ang itsura ko. "Talaga po? Ibig sabihin ibabalik mo na sa akin ang kwarto ko?"

Kinuha ni Chanel ang magandang kwarto ni Amethyst kasama na ang mamahaling mga gamit niya tapos pinatira sa maids quarters. Parang hindi isang young lady ang turing nila dito kay Amethyst. Pati nga mga katulong ay mas mataas pa ang estado nila kaysa sa kanya. They treated her way too badly, even maids treat her like trash. They all deserve to die!

Sa sinabi ko kay Chanel, napuno ng bulungan ang paligid.

"Watch your mouth, girlie. Don't be so rash on claiming something that's not yours." Medyo pikon na sabat ni Kian.

"What are you talking about, Amy? You don't have a place here, sweetie. Should I remind you that you're just a prosti-"

*slap*

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now