Chapter 2

552 82 82
                                    

ZANDER

"Are you.......are you sure about this?" May halong pagdadalawang isip na sabi ko.
Pumasok ulit kami sa White System. May secret wardrobe na nakalagay duon at halos malula na ako sa dami ng mga pambabaeng damit. Halos kasing laki ng mall of asia ang wardrobe na ito. Matatawag ko pa ba itong wardrobe?

"Anong gusto mo dearest guest? This diamond gown, or this lava red social dress? Or this Kaila outfit?" sabi ni Daisy sa akin habang hirap na hirap na binubuhat ang tatlong gowns.

Sa isip palang na ako, ang sikat at gwapong Zander Lusien Lin, magsusuot ng gown, para kong trinaydor ang pagkalalaki ko. Aish, kailangan ba talaga pambabae ang suot ko?

"Uh, pwedeng mag suit nalang?" sabi ko sabay kamot sa batok ko.

Napa-aray ako nang bigla nalang akong binatukan ng gusgusing pusa. "Aray! Ano ba! Bakit ka ba nambabatok?" inis na baling ko sa kanya.

"Kailangan ming mag-suot ng dress kung gusto mong maacomplish ang mission na ito!" Sigaw ni Daisy sa akin.

Sigh. "Okay, fine." I said as I gave in.


DAISY THE CAT

Moments later.......

"Next, masyadong girly. Ang sigla ng kulay. Nakababakla." sabi ng demonyong si Zander.

Hay hindi ba siya naawa sa akin? Ang liit ko at ang hirap magbuhat ng mabigat na gowns! Isa nalang talaga Zander, i flaflying kick na talaga kita!

Kumuha ulit ako ng isang magandang gown sa paningin ko at ipinakita sa kanya. Hirap ko itong binuhat. "Ito dearest guest oh. Maganda ito-"

"Next! Ang pangit niyan! Masyadong revealing! Nakababakla-"

Parang umapoy na ang mga mata ko sa inis. Punong-puno na talaga ako.

"DEAREST GUEST, hindi na po kayo lalaki, babae na po kayo kaya please, pumili kana dahil malapit na akong mahimatay!" T < T

A wee bit later....

"Daisy ano ba! Ayaw kong ngang magmakeup! Nakababakla!"

Waah! Gusto ko na talagang sumuko. Bakit ba kasi sa guest na ito ako na-assign! Huhu, I'm so stressed! Grabe ang tigas ng ulo tapos palagi niya akong inaaway. Huhu.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo ulit, dearest guest. Wala ka na sa katawan mo ngayon at nasa katawan kana ng isang babae kaya PLEASE, maawa ka naman sa akin oh. Mag-make up kana!"

Pagkatapos ng nakakapagod na habulan ay finally at nabihisan ko narin siya ng magandang dress. Simpleng off-shoulder at kulay blue ito at maraming diamonds.

May makeup nadin siya kaso hindi perfect dahil ang kulit ng panget nayun. Pero kahit na, ang ganda ganda niya. Syempre, si Daisy the cutest guide kasi ang naging guide niya.

"Ang ganda ganda mo, Zander! Ang ganda ng mga ginawa ko. Hihi, diba?" masayang sabi ko.

"Shut up. Ang pangit. Para akong sasali sa gay pageant. Pero tolerable parin naman. Geh, salamat."

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now