Kabanata 3: Worlds We Belong In

184 57 1
                                    

Kabanata 3: Worlds We Belong In

"My apologies, Ms. Geneva."

Ha?

"I can't answer your confession..."

Parang natigil ang mundo ko, lumalabo yung paningin ko sa gulat at kumakalabog pa rin yung tibok ng puso ko sa kaba, yung parang 'di ako makapaniwala sa sinasabi niya sa'kin.

"W-Why not?" nauutal 'kong sabi, kanina ayokong maging desperado sa nararamdaman ko sa kanya kasi gusto kong itago yo'n, pero ngayon parang lumalabas na ang lahat lahat na itinatago mula sa dibdib ko.

"H-Hindi mo ba 'ko... I mean..." hindi ako makahinga, parang gusto ko na lang i-untog ang ulo ko sa pader sa hiya, nababaliw ako, nababaliw ako ngayon sa sagot niya kung bakit.

"We just met... t-that might--"

"Kahit na gano'n, Ms. Dixon..."

Unti-unti niyang ibinalik ang atensyon ng mga mata niya sa'kin, blanko rin ang ekspresyon niya habang matalim at mapait ang emosyon sa mga mata niyang nagkasalumbong sa sarili 'kong pares ng mga mata.

"It's impossible for us... to be together..."

Huh?

"I cannot waste any moment staying here, I'll leave your food in your bedroom, I must leave, I'll see you later... Ms. Geneva Dixon."

What the actual fuck?

What the fuck just happened?

Una, sinubukan kong itago sa kanya yung nararamdaman ko kasi 'di ko kaya, mababaliw ako, pero ngayon na inamin ko sa kanya... tinanggihan niya 'ko? 'Di ako makapaniwala na tinanggihan niya talaga ako... alam ko naman kung bakit din.

We just met, we literally just met yesterday so that might be why but... he said it would still be impossible?

Bakit naman? Ano namang meron sa'kin? Maganda naman ako ah! Matangkad din ako nang konti kahit na mas matangkad sa'kin si Karine... pero wala namang mali sa'kin?

Dahil ba sa pisngi ko? Oh shit, baka tumaba ako?! Either way maganda pa rin ako! Ba't ayaw niya sa'kin? Ba't imposible? 'Di man lang siya nahihiya na may gusto sa kanya ang isang tulad ko? A Dixon, Aster Geneva D. Dixon?

So what is up with him? I'm so bothered because of this, bwisit!

"Ms. Dixon?"

"Yes, yaya? May problema ba?" tanong ko sa kanya at ibinalik ang atensyon ko ulet sa salamin.

"Kanina pa ka diyan nakatitig sa salamin, ano bang meron? May tigyawat ka nanaman ba sa ilong mo?"

"Tigyawat sa ilong? Wala! Kakapunta ko lang sa derma 'di ba? Okay lang naman po ako! Maganda pa rin ako..." I said, pouting.

Pati ba naman yung tigyawat sa ilong binabalikbalikan! Naiinis ako, naaalala ko tuloy yung kailangang tusukin nang injection yung tigyawat ko dati sa ilong ko dahil maalis, nainfection daw yata.

Kahit na may tigyawat ako dati maganda pa rin ako!

"Yaya."

"Yes, Ms. Dixon?" tumalikod ako at humarap sa kanya na may maliit na ngiti sa labi ko.

"Maganda ba 'ko?"

You could tell from her face the surprise by my question, she probably didn't expect something like this to come out of my lips. Well, I'm not the type of person who cares about my looks, for me... I'm enough.

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon