Kabanata 19: The Dreams...

75 11 0
                                    

Kabanata 19: The Dreams...

"That's it for today, thank you everybody."

Dapat masaya ako na natapos ko ang meeting for this week pero wala, pagod lang ang naramdaman ko at gutom.

Ang dami ko ring nakain na donut kaninang umaga, yes... hindi po ako nag-almusal dahil kinain ko lang ang pagkaing pinakamalapit sa'kin--donuts.

I finished my meeting with one of our possible investors. I had to make sure that everything about my hotel is something that they would be very interested in when it comes to investing, right?

Nagpasalamat ulet ako sa mga nakarating din na mga secretaries at vice president na kasama nila, it's important to be respectful, you don't know if they really like it or not or maybe they could be just wasting their time here listening to my bullshit.

"Ms. Dixon."

Agad kong binuksan ang phone ko to check the message Silas had sent me a few minutes ago, sinabi ko na nga sa kanyang busy ako tapos nagtetext pa rin siya, he's an idiot.

"Yes, Dominic?"

"It's lunch time."

"I know."

"Would you like me to accompany you for lunch?"

"Excuse me?"

Nakalimutan ko yatang uminom ng kape, wala akong energy sa sarili kong utak kaya ganito na pinagiisip ni'to, o baka naman kasi nababaliw na 'ko?

"Lunch? With you?"

"Yes." sagot niya agad.

Inikot ko yung upuan ko at tiningnan siya ng maiigi kung may sakit ba siya o inutusan siya ng magaling kong mga kapatid na alagaan ako and to make sure that I'm eating well.

"Sinong kasama?"

"Tayong dalawa lang... just... just the two of us." he said and coughed right after.

Tangina mo naman Dominic kung makatitig ka sa'kin ng ganyan aakalain ko na may gusto ka rin sa'kin o baka mahal mo 'ko, mahirap na nga na assistant kita pero mas lalo ng pahihirapan mo yung buhay ko dahil sa mga mata mo at mga pinagsasabi mo.

"Bakit?"

"Because I want to... eat lunch with you, I want to eat with you, Ms. Dixon."

Kinagat ko yung labi ko para blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha ko, feeling ko hihimatayin ako sa sinabi niya.

I'm trying so hard to look unbothered here, fuck you, Dominic.

"Anong pinaplano mo, Dominic? Dahil ba sa araw na yun?" binuksan ko ulet ang phone ko para idistract ang sarili ko mula sa mukha ni Dominic.

"I just want to make sure that you're eating well, you've been busy lately."

'Di naman ako gano'n ka busy, mukha lang akong busy dahil sa plano namin ni Silas na magpakasal.

Bwisit na kasalan, 'di pa rin ako handa, wala pa nga kaming nabili na damit para sa kasalan o venue kung saan kami ikakasal!

We are the worst couple ever.

But of course, we haven't announced to the world that we're officially engaged.

"I'm alright, Dominic."

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon