Kabanata 27: The Real Villain

85 8 0
                                    

Kabanata 27: The Real Villain

"...don't you think it's disrespectful to raise your voice at my engagement party?"

Ha?

Engagement party?

Nababaliw na ba siya? Tama ba yung narinig ko o ako yung nababaliw dito? Hinde eh, tama yung utak ko baliw lang yung gagong fiance ko.

Anong engagement party?

Parang naguguluhan din yung mga guests pero parang nakikinig lang din sila ng maiigi, trying to hide the fact that they're shocked of this current situation.

Akala ko ba CREED party 'to? What the fuck?

Engagement?

Malamig at parang bwisit na bwisit yung ekspresyon ng mukha niya pero kita ko pa rin yung itinatago niyang ngiti, yung ngiting mapangasar.

Baka naman itinago niya yung katotohanan sa'kin na engagement party pala namin 'to?

Harriet looks nervous, I'm surprised that she could withstand this aura that Silas is currently showing her, kung ako yung nasa posisyon niya baka naihi na 'ko.

Ilang beses ko na kasi nakita yan kay Silas kapag nakikipagusap siya sa isang investor o ibang businessmen, he was also working with me for a project and he was upset at the employee, he tortured the employee by asking him a bunch of questions to why he made that mistake and he cried.

Silas wants everything to be perfect.

And right now, he's making it look like he's about to torture Harriet in front of this many people, influential and wealthy people too.

I would cry.

I would not want to be seen ever again.

"But sir, you would want to hear this."

Napunta ang atensyon ng mga mata niya sa'kin at doon ko namalayan na baka tungkol 'to sa'kin.

Ang lalim, malamig, at galit yung mga mata niyang nakapokus sa'kin, 'di ko maintindihan kung bakit ganyan siya makatitig sa'kin pero kinakabahan ako.

I'm not close to Harriet, I've always been respectful to her, I've never done anything terrible to her... ever.

'Di lang talaga siya mahilig makipagusap sa'kin, para bang alam niya yung posisyon niya kumpara sa'kin pero sinubukan ko rin na makilala siya ng husto kasi hello?

Magiging asawa ko si Silas kaya kailangan na kilala ko siya ng husto, maybe not as friends but as something else.

Tsaka parang may mali kay Harriet.

I don't know.

"Hear what? And right now, seriously?" tanong ni Silas at rinig ko rin ang pagtaas ng boses niya.

"Is it that fuc-- sorry, love."

Muntik na siyang magmura pero pinigilan niya ang sarili niya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

Mas lalo lang akong naguluhan, anong nangyayari?

Iginilid niya rin ang buhok ko at tinitigan niya 'ko na para bang ang dami niyang gustong sabihin sa'kin, yung titig din na para bang punong puno ng pagmamahal at ng halaga.

"I'm sorry." bulong niya sa'kin.

That was real.

That was different.

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon