Kabanata 7: Gone Crazy

99 38 0
                                    

Kabanata 7: Gone Crazy

"M-Ms. Dixon, are you alright?"

Sa palagay mo ba alright ako? This is nerve-wracking, 'di pa rin ako okay kahit anong gawin ko.

Alam ko naman kung nasaan ako, 'di ko lang ineexpect na ganito pala yung pakiramdam kapag nandito na 'ko sa CREED Party.

Katabi ko sina Cerine at Karine na katabi yung mga escorts nila at si Dominic naman sa likod ko, he's concerned because of my expression at kanina ko pa hawak hawak yung kamay niya sa likod ko sa kaba.

Mom and dad are sitting next to their other business partners, and next to the head of the Diamante family--Jean Klaus Diamante.

Kahit anong suotin ko, kahit na alam kong ganoon ako kaganda para sa party na 'to 'di ko pa rin talaga maitago ang kaba at takot ko. Handa naman ako, handang-handa naman akong makipag-usap sa ibang tao pero bakit gano'n?

Parang 'di ko deserve na maimbitahan dito?

Yung mga kapatid ko naman seryoso o blanko lang ang mga mukha nila. Of course, mas marami silang alam kaysa sa'kin kasi ilang beses na rin silang naimbitahan dito, they're just professionals at this point.

And me? I just want to run, I'm so scared!

Good thing Dominic is here, kalmado ako sa tuwing katabi ko siya. It's a good choice that he's my escort for tonight, the man that I like is my partner which is somewhat great for me.

Akala ko nga pwedeng kami lang ang magkasama at magkatabi sa iisang lamesa at walang iba, kami lang.

E 'di may time pa 'ko para akitin siya, pero wala, kasama ko yung mga kambal ko at mga escort nilang inlababo sa kanila.

Maybe I am lucky for something here, just one, and that is Dominic.

Nababaliw na 'ko, lahat yata nang mga tao dito busy pero ako lang ba yung busy sa kaba sa dibdib ko.

Sinusubukan kong itago 'tong kaba sa mukha ko thanks to Dominic's hands.

"I think I am, thank you, Dominic." nakangiting sambit ko sa kanya.

Napansin kong may mga dessert na nakahain sa gitna, tumayo ako at ngumiti na lang sa magkambal, naintindihan naman nila na 'di naman ako gagawa nang kung ano mang bagay kasi alam nilang kung gaano ako kakaba ngayon.

"Be careful out there." Karine whispered next to me, I just nodded at her.

"Saan ka pupunta?" bulong ni Dominic na nasa likod ko na nakasunod din sa'kin.

"Kakain lang ako nang cake, ang laki nung cake oh, might as well get a piece, right?" I asked.

Okay naman kasi ako kanina. I was feeling confident because I was with my sisters, pero talagang natakot ako pagpasok na'min.

Parang iba yung mundo na napag-isipan ko, yung inexpect ko, it was much more than that.

Everything just screams expensive, luxury, and business inside here. And I wasn't ready for any of that, I felt nervous, and intimidated.

Kahit na Dixon naman ako takot pa rin ako. It was the very first time that I've felt something like this in my life ever, siguro kapag kasama ko yung mga parents na'min.

Iba kasi 'to. Ibang-iba.

Habang naglalakad ako at nakasunod sa'kin si Dominic, napansin ko yung iba't-ibang mga pamilya na nakikipag-usap sa isa't-isa.

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon