22

13.3K 250 101
                                    

Mabilis na lumipas ang bawat linggo. Sa lahat ng 'yon ay walang araw na hindi ko makikita si Kate na hindi lumalandi sa isa sa kanilang tatlo.


Nakakairita ng sobra pero ayokong may gulo pang magyari dito. Nakakahiya dahil nandito kami para matuto hindi para sa kung ano.


Lunch time na at naiwan ako rito sa loob dahil tinapos ko lang yung naka stapler na papel. Paglabas ko ay agad akong dumiretso sa kabila upang sunduin si Lorcan pero ang tanging nakita ko roon ay yung linta.


Hindi ko na dapat siya papansin pa at lalakad na sana ng tawagin ako nito.


"Lorcan is not here, may inutos pa sa kaniya.." saad nito.


Obviously, wala naman talaga siya dahil wala naman akong nakita. Huminga ako ng malalim dahil kahit papaano, ininform niya 'ko. "Thank you."


Pahakbang na sana muli ako ng mapahinto nanaman.


"If you're Lorcan's girl, then I can get one of those two. Either, Gideon or Darsen.." saad nito habang nakatingin lamang sa kaniyang kuko.


Matapang ko siyang hinarap. "No, wala kang makukuha isa sa kanila. Kahit maglupasay ka d'yan, hindi sila mapupunta sa'yo."


Ngayon ay nakatingin na siya sa'kin ng seryoso. Bumaba ito sa pagkakaupo sa isang lamesa at nilapitan ako.


"You're just their friend. Who are you to stop me?"


Pinantayan ko ang matalim niyang titig sa'kin. Nakakatawa nga lang isipin na nakayuko ako ng bahagya dahil ang liit niya.


"As what you said, I'm their friend.."


She smirked at me. "A slut friend? Ano bang meron at ganyan ka sa kanila? Ganyan ba talaga pag-walang Ina na nagpalaki?"


Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Don't mention tha--"


"Why? Tamang tama ba?" Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "Your father is a vendor, you don't have a mother.. Paano ka nga ulit nakapasok sa university?"


I clenched my fist to control my emotions. Sa tagal naming nagkakasagutan ay hindi ko naisip na mapapasok ang buhay ko rito.


"A scholar.." pumitik ito at tumango-tango. "Scholar ka lang na nakikinabang sa pera ng iba. Don't you see? Walang-wala ka sa tatlong lalaking inaangkin mo.."


"Darsen Santiago have a lot of companies, also Gideon Austria. Do you even know that Lorcan's family owns the largest casino here in Asia? Tapos ikaw..."


She looked at me from head to toe and act as if I'm a dust in front of her.


Ayokong magpaapekto sa sinabi niya kaya tumalikod na ako dahil wala akong sasabihin. Aaminin ko, wala akong maisasagot sa kaniya dahil lahat ng sinabi niya ay totoo.


Hahakbang na sana ako ng biglang marindi ang tainga ko sa narinig.


"Anak ng walang narating sa buhay.. mga salot sa lipunan.."


Agad akong humarap sa kaniya at malakas na sinampal siya.


Namumula ang mukha ko sa galit bago siya iduro na hanggang ngayon ay nanlalaki ang matang nakahawak sa pisngi.


"Hindi naghirap si Papa para maliitin mo 'ko.." saad ko rito. Naluluha ang mata ko dahil sa tindi ng inis na nararamdaman ko sa kaniya.


"Oo I'm a scholar! Pero pinaghirapan ko 'yon! Wala akong maipagmamalaki sa'yo tulad ng mga binanggit mo tungkol sa kanilang tatlo. Dahil kahit kailan hindi nila sinabi sa'kin na dapat ko silang pantayan!"


"Lalong higit sa lahat, wala kang karapatan na insultuhin 'yong taong naghirap para makarating ako kung nasaan ako ngayon.. Don't compare me to yourself, Kate. I'm not a spoiled brat and an immature girl like you."


I shook my head, the disappointment is visible on my eyes. "I never imagine that you'll stoop this low, Kate."


Agad akong naglakad papalabas. "Bitch! I'll make sure that this week will not gonna end without you crying your hearts out!" She angrily shouted.


Hindi ko siya pinansin at dumiretso agad sa kabilang department para doon maghintay kila Deon.


Medyo natagalan sila. Buti nalang at sakto rin ang pagdating ni Lorcan noong lumabas sila.


We decided to eat outside the company. Pwede naman 'yon basta babalik ng tama sa oras. Sumakay ako sa motor ni Lorcan at hinigpitan ang kapit sa kaniyang bewang.


"What happened?" He asked out of nowhere.


Kahit hindi niya nakikita ay napatass ang kikay ko. "What do you mean?"


"Your eyes kinda puffy. What she did this time, baby?"


Huminga ako ng malalim at hindi siya sinagot. Ipinatong ko ang ulo sa likod niya at tinignan na lamang ang dinadaanan namin.


Sa totoo lang ay umaasa akong ititigil na niya ang ginagawa niyang paglapit kila Darsen. Hindi rin naman siya pinapansin ng tatlo.


I don't want to have a fight with someone just because of this kind of thing.


Si Deon ang umorder ng pagkain namin. Lorcan is beside me, gently touching my thigh.


Darsen tap his finger on the table. "Himala, Walang nanggulo sa'tin bago tayo umalis." Saad nito.


Hindi ako kumibo at sumandal lamang kay Lorcan. Ayokong pag-usapan ang nangyari kanina, mas maganda na rin siguro kung hindi nila alam.


Sakto naman ang dating ni Deon. He looked at us. "Hindi nanggulo kase inutusan yata. I saw her with Sir Paul, yung department head nila Lorcan kausap siya."


Napatango-tango naman sila. We ate and and as usual, napasaya nila 'ko. Siguro hindi ko na talaga kailangan ng kung anong yaman kase sila na 'yon. Sila at si Papa ang mahalaga, wala ng iba.


The day went well. Hindi ko na nakasalubong pa si Kate kahit saan na ipinagpapasalamat ko dahil ayoko muna siyang makita.


Ang sakit parin kung paano noya kami maliitin. Ayos lang kung ako, pero yung pagsasalitaan niya yung taong pinaghirapan at ginapang yung pag-aaral ko, hindi 'yon ayos sa'kin.


Lumabas ako upang puntahan si Ma'am Kath dahil iniutos 'yon sa'kin. Hindi pa 'ko nakakahakbang ay bumungad sa'kin ang mukha ni Sir Paul.


Oo, head pala siya. Akala ko empleyado lang kahapon.


I heaved a sigh. "Good afternoon, sir.." I greeted him.


Tumango naman ito at ngumiti. "Good afternoon too, Coleen."


Ngumiti ako ng pilit at tutuloy na sana ng lakad ng hawakan nito ang palapulsuhan ko.


Nalukot ang mukha ko bago humarap sa kaniya. Hindi niya ba alam na hindi dapat siya manghawak ng babae bigla-bigla?


"Don't touch me.." I said seriously.


Tinitigan niya ako saglit bago bitawan. He licked his lip and I want to puke in front of him, kadiri.


Bakit kapag silang tatlo ang gumagawa non, ang hot?


"Sorry.."


"You shouldn't touch anyone without their consent. Sana alam mo ang basic manners.."


Hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko dahil sumama ang tingin niya. Wala naman akong pake dahil tama ang sinabi ko.


Agad akong lumakad paalis at hindi na siya nilingon pa. Isa pang kakaiba niyang kilos sa harapan ko, irereport ko siya.




Pareho sila ni Kate, kulang sa pansin. I really hate people like them..




_

A/N: ha-high blood-in ko kayo next chap dahil mabait ako :>

I Own ThemWhere stories live. Discover now