29

11.5K 284 243
                                    

"I don't have any further questions. This paper is perfect, Congratulations."


Hindi ko naitago ang ngiti dahil sa narinig. Nang makalabas kami ay tsaka ako napatalon sa tuwa bago sila niyakap.


"We did it!" I happily said. I heard the two chuckled while Deon just smiling at me. Hindi ko 'yon pinansin.


"Let's celebrate?" Deon asked. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa. Sa tingin sa kaniya ni Darsen ay alam kong naiisip niya ngayon ang mga napag-usapan namin noong nakaraan. "As we should."


Katulad ng dati naming ginagawa. We ate together and have some fun like we used to do. Alam namin na may problema kami pero hindi namin 'yon siningit para hindi masira ang araw. Akala ko ay isang normal na araw lang iyon, hindi ko inakalang huli na pala 'yon na maayos kami.


I didn't expect that's the last day we can be together.


And I didn't expect that my life will be like this. After all the happy and enjoyable things, here I am, facing the typhoon full of challenges.


Mabilis akong naglakad at sinundan siya. Sinigurado kong hindi niya ko mararamdaman o mahahalata. Napakagat ako ng labi ng makitang pumasok ito sa isang restaurant.


Nagsimula na ring sumibol ang kaba sa aking dibdib. Kakain lang siya d'yan right? Walang kahit ano...


Agad akong sumunod at pumasok sa loob. Natagpuan ko siyang nakaupo sa isang lamesa at walang kasama. Lumuwag ang paghinga ko dahil doon. Nanatili ang tingin ko sa kaniya, hindi ko alam kung mali bang sinundan ko siya ngayon o ano pero ito lang ang paraan para matahimik yung pakiramdam ko.


Minutes passed and I decided to go home. I was about to stand from my seat but a woman who entered immediately caught my attention.


My breathing hitched when I saw her. Sa tagal ko siyang hindi nakita, alam kong siya pa rin 'yon.


Kate..



Ang kaninang kaba ay mas dumoble dahil sa nakikita. Dumiretso ito sa table kung nasaan si Deon ng may malawak na ngiti sa labi.



I shook my head. I bit my lip to stop it from trembling. "N-No.. May p-pag-uusapan lang sila, Col. Don't think too much.." nanginginig kong pangungumbinsi sa sarili ko.


He can't do this to me. Mahal niya 'ko, hindi niya 'to magagawa sa'kin..


Tuluyang bumagsak ang mumunting luha sa mata ko ng makita kung paanong nagdikit ang mga labi nila. It's just a peck but it's like a thousand daggers for me.


Why Gideon? You know that you're my first love and now, you're the first one who break me into pieces..


Kinuha ko ang librong nasa bag at pinantakip ng aking mukha. Kitang kita ko kung paano nito hinawakan ang balikat ng babae, napatawa ako. So he likes her kiss? Is she that good?


Alam kong hindi na magandang narito ako dahil mas lalo akong madudurog. Pero hindi ko maiwasan na pagmasdan sila.


Ganito ba 'ko kadaling lokohin?


Hindi ko sila marinig dahil nasa malayo ako. Ilang minuto lang ang lumipas ng tumayo sila. Kahit na nanghihina ang katawan ko dahil sa mga nakita kong pinaggagagawa niya, tumayo pa rin ako upang sundan sila.


They head straight to the parking lot. Dito ay mas nakalapit ako at nagtago sa isang sasakyan, katabi ng kay Deon.


"It's unfair.." I heard Kate said in a seductive tone.



I Own ThemWhere stories live. Discover now