37

10.7K 257 145
                                    

I groaned when I felt my neck hurts. Gumalaw ako ng kaunti bago muli sanang matutulog ng may maramdaman ako. I felt a little movement above me, agad akong napaangat ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makitang nakamulat na ang mga mata niya.

"L-Lorcan.." tawag ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya 'ko nilingon kaya agad akong tumayo at ginising si ate Cheska para ipaalam 'yon. Mabilis itong napatayo at dinaluhan si Lorcan. Si Darsen naman ay lumabas para tawagin ang doctor.

"Lorcan," tawag niya at hinawakan ito sa balikat upang iharap sa kaniya.

I bit my lip because of anxiousness. Nanatili ang tingin ko sa kaniya habang naghihintay na tumingin siya sa direksyon kung nasaan ako.

"Where am I sis?" He said in his husky voice. I felt the familiar feeling when I heard his voice again, god I miss him..

Ate Cheska sighed. "You're at the hospital. Hintayin natin ang doctor, wait I'll call mom and dad." Saad nito bago tumayo.

Tinapik ako nito bago lumabas. Ngayon ay kami nalang ang nasa loob ng kwarto. Unti-unti akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay nito. "Lorcan anong nararamdaman mo? m-may masakit ba--"

I was stunned when he shove my hand. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin ng seryoso. "Who are you? Don't touch me can you?"

Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha at nagawa ko pa ring ngitian siya ng alanganin. "C-Coleen, my name's Coleen. B-Baby stop joking, ano ka ba.." nanginginig na saad ko rito.

Mas lalong kumunod ang noo nito. Nag-alala ako ng umupo ito sa higaan para lamang harapin ako. "Sorry but I don't know you miss.."

I was about to speak again when the doctor came. Napilitan akong lumayo. Agad rin akong dinaluhan nila Ate Cheska at Darsen dahil nakita nilang umiiyak na 'ko.

"What happened?" They asked.

My voice is trembling but I managed to say it. "H-He don't know me.. B-Ba't ganoon.." mahinang saad ko sa kanila.

Nanlaki ang mata ni Ate at halata ring nagulat si Darsen. Sabay-sabay namin siyang tinignan.

The doctor check something on his body. Nang matapos ay humarap ito sa'min habang may tinitignan sa papel na hawak hawak niya.

Cheska immediately speak. "Why he can't remember Coleen, Doc? Naaalala naman niya 'ko kanina!"

Umangat ang mata niya sa'min. Agad itong lumapat sa'kin. "Kailan mo siya nakilala?" Tanong nito.

Napalunok ako bago inalala ang taon. "Six y-years ago po," I answered.

Tumango-tango naman ito. Sunod niyang tinignan si Darsen sa gilid ko. "Ikaw, Kailan?"

"Since we're kids doc," he said. Tumango muli ito. Humarap siya kay Lorcan na nakatingin na sa'min ngayon ng seryoso. Tinuro ng doctor si Darsen. "Do you know him?"

Agad naman itong tumango. "Of course, he's my friend."

May sinulat siya sa hawak hawak niya bago kami harapin. Nang matapos ay inaya niya kaming lumabas, lalong lalo na raw ako.

Sobra-sobrang kaba at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Yung hindi niya lang maalala ay parang saksak na agad tapos idagdag pa na ako lang, ako lang yung nakalimutan niya.

The doctor removed his glasses before he gazed at us. "I'm going straight to the point, he have amnesia."

Napahugot ako ng hininga ng marinig 'yon. Ate tapped my back to comfort me but it doesn't working. I'm so scared, scared that he might forget me, forever.

"Base on my checkings, he forgot his recent memories. That's why he still know you two, dahil dati pa niya kayo kilala. But you.." humarap ito sa'kin at umiling. "He can't remember you. Hindi ko alam kung ilang taon ang nakalimutan niya pero sigurado ako na lagpas anim 'yon."

Kahit na hirap ay nagawa ko pa ring magtanong. "M-Maaalala niya naman po a-ako 'di ba?"

He stared directly at me. "We don't know. Kailangan pa namin magsagawa ng ilang test hija. Hindi ko masasabi kung maaalala ka pa niya o hindi."

Hindi na 'ko muling nakapagsalita pa dahil tuluyang tumulo ang luha ko. Darsen wrapped his arms around to comfort me but it didn't help.

Nakaalis na ang doctor pero nandito pa rin kaming tatlo sa labas. Pare-parehong nag-iisip tungkol sa mga narinig namin kanina.

Ate Cheska smiled sadly at me. "Don't cry, mahal na mahal ka no'n. He will remember you hmm?"

Tumango ako kahit hindi ko alam kung maniniwala ako. Pumasok muli kami sa loob at naabutang tulala si Lorcan. Agad siyang napatingin sa'min ng marinig kami.

He glanced at me but it didn't last for a second. "Sis, what really happened to me? And Darsen, where's Gideon?" Sunod sunod niyang tanong.

Para akong hangin ngayon sa harapan niya dahil bukod sa tingin na iginawad niya kanina ay hindi na 'yon nasundan pa.

Dumating ang magulang niya kasama si Francis. They immediately rush to him and talk in a usual way.

Ako lang.. Ako lang yung hindi niya kilala.

Her mother's brow furrowed at me when she learned that Lorcan can't remember me. Hindi siya nagsalita pero alam ko sa isip niya ay masaya siyang nakalimutan ako ni Lorcan. She doesn't want me after all.





Lumabas silang buong pamilya dahil kakausapin daw ang doctor. Kaming tatlo lamang ang naiwan dito sa loob.

Nasa malayo ako at nakatanaw lamang sa kaniya. Darsen motioned me to come beside him so I did.

He smiled at Lorcan who's confusingly staring at us. "Bro, this is Coleen if you didn't remember her. She's your fiance.." I nervously smiled at him, waiting for his reaction.

He shook his head. "I don't remember. I actually waiting for Gianna to come,"

We both went silent. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, hindi ko man kilala kung sino 'yon, masakit pa rin dahil ibang babae ang hinahanap niya kahit nandito ako.

Humigpit ang hawak ko kay Darsen at napansin niya 'yon kaya agad siyang humarap sa'kin. Base sa mata niya, alam niyang nasasaktan ako at alam ko rin na nasasaktan siya ngayon pa sa'kin.

Tipid lamang akong ngumiti kahit pa nagbabadya nanaman ang luha sa mga mata ko. "L-Labas muna 'ko ha?"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot bago tumayo at maglakad papalabas.

"Lorcan! Gianna is your girlfriend when we're senior high! Can you listen to us? You might forget her and I know that you're not intentionally hurting her but bro, please believe us that she's your fiance!"

"I don't know her! Why would I believe that shit?!"

'yan ang huli kong narinig bago ako lumabas. Napapikit ako upang huminga ng malalim dahil tumulo nanaman ang luha 'ko. Kailan ba 'to titigil? I should understand his situation, ang boba mo Coleen.

Matatandaan niya naman ako 'di ba? Makikilala niya 'ko.

Bigla akong napahawak sa pader na nasa gilid ng dumilim ang mata ko bigla-bigla. Kumirot din ang ulo ko kaya mas lalo akong napahinto.

Iniling ko ang ulo upang mawala 'yon at gumana naman dahil nawala rin matapos ng ilang minuto. Napakunot ang noo ko dahil doon bago tumuloy sa paglalakad.

Pagod lang siguro, sa lahat ng nangyayari ngayon, talagang nakakapagod.






_

A/N: Light update lang 'to :> pinaka light update sa chapter 39 HAHAHAHHA

Sabi ko nung nakaraan, 10 chapters nalang. Pero tutal hirap na hirap na si Coleen, bakit hindi pa natin lubusin?

Siguro aabot 'to ng 50 :>

ps: nag update ako ngayon kase wala lang, natutuwa lang ako sa inyo HAHAHHA

I Own Themحيث تعيش القصص. اكتشف الآن