35

11.1K 257 101
                                    

Malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa aking hawak. I've waited for this and I know that I'm ready.


Sigurado akong matutuwa sila sa sasabihin ko. Saktong sakto dahil bukas ang championship game ni Lorcan at sigurado akong mananalo siya. Actually, three weeks ko na ng malaman 'to, pinilit ko talagang itago kahit mahirap dahil naghihintay ako ng tamang pagkakataon para sabihin at alam kong bukas na 'yon.


I know that it's the biggest gift I can give to him. To Them.


Naisip ko ang ginawa ko. Alam kong mali at masakit pero hindi ko kaya, hindi ko kayang may magbago sa'min.


Agad akong tumayo at nilagay sa bag ang hawak. I looked at the mirror and smiled. I should buy a box for it. Agad akong lumabas at sumakay sa sasakyan ko bago imaneho papunta sa mall.


Nang makarating ay agad akong dumiretso sa isang store at maiging pumili ng lalagyan. Pinili ko ang isang blue box na may gold ribbon.


Agad akong napangiti, bagay na bagay 'to.


Bumili pa 'ko ng ilang kailangan ko bago napagpasyahang umuwi sa bahay. Hindi muna ko tutuloy sa condo dahil kailangan ko 'tong ihanda. Baka makita pa nila kung doon ako gagawa.


Malawak ang ngiti habang nilalagay ko ang stick sa loob. Kasama ang isang litrato. "I'm excited to give this to them.."


Bigla naman akong napatigil habang nakatingin sa hawak na picture. Bigla ko siyang naalala at hindi ko maiwasang malungkot.


Ilang taon na.. Where are you? I'm still waiting..


If he's here, I know that he'll be glad too. Naalala ko kung paano niya sabihin na gustong gusto niya 'to at handa siya.


Okay na 'ko, napatawad ko na siya. Kailangan ko lang ng time na mag-isip kasi kahit alam kong kahit ganoon, masakit talaga sa part ko lahat lahat.


I thought Tita, Deon's mother is so kind and generous but she's not. That hurts me because I treat her like my mother. Yung pag-aalaga ng isang ina, sa kaniya ko naramdaman.


Matapos kong ayusin lahat ay hinanda ko ang isang maroon v-neck fitted dress na susuotin ko.






Kinabukasan ay agad akong nag-ayos. Naligo ako ng maaga at naghanda. I just put a light make-up on my face. Hinayaan kong nakalugay ang medyo mahaba kong buhok, inayos ko ang pagkakaladlad nito upang makita ang gray highlights at para mas maganda ang pagkakakulot nito sa dulo.


Nang masiguradong maayos na ay sinunod ko ang bag. I put all of my needs there including the most important thing I need to bring. Saktong pagtapos ko ay may kunatok na sa pinto.


Agad akong sinalubong ni Darsen. I kissed his lips. "Sakto ah?" Saad ko rito.


He chuckled and brushed my hair using his hand. Agad akong napasimangot doon. "Of course, I don't want you to wait Babi.."


Napailing nalang ako bago siya niyayang umalis dahil baka ma-late pa kami.


Kalahating oras bago magsimula ang laban ng makarating kami doon. Agad kaming pumunta kung nasaan si Lorcan. I'm smiling widely when I approach him but it seems like he's not in the mood. I don't know why.

.
"Baby," I called him. Hindi niya ko narinig kaya mas lalo pa 'kong lumapit at basta na lamang siyang niyakap sa likod.


Nagulat ito at agad na humarap sa'kin. I immediately kiss him and smiled. "Good luck!"

I Own ThemWhere stories live. Discover now