38

10.3K 286 185
                                    

"Y-You want to drink? Gutom ka b--" I didn't finish when he immediately cut me off.

"No," he said in his baritone voice. Nanatili ang mga mata nito sa cellphone na hawak at hindi man lang ako binigyan ng atensyon.

Maliit akong ngumiti. "S-Sige, sabihin mo kung may kailangan ka ha? I'll give it--"

"I'm not disabled, I can do what I need to do.." Binalingan ako nito ng may seryosong mga mata kaya napalunok ako. Hindi na 'ko nagsalita pa at tumango nalang.

Naiirita yata siya sa'kin. Baka sumasakit ang ulo niya dahil makulit ako? But I should understand his situation..

Umupo ako sa couch na nasa gilid at kinuha ang cellphone. Doon ko binuhos ang atensyon ko pero amido akong pasulyap-sulyap ako sa kaniya.

Kami lang ang nandito dahil umalis ang pamilya niya. Hindi ko alam kung anong mga gagawin nila pero mas mabuti na 'yon kaysa makita ko ang mukha ng demonyo na 'yon.

Si Darsen ay umuwi saglit dahil kukuha siya ng gamit namin. Tulad ko ay dito rin siya para samahan si Lorcan.

Walang nagsasalita sa'min. Kung ano ano rin ang pinagpipindot ko sa phone ko para kunyari ay ginagamit ko pero sa totoo lang ay pinagmamasdan ko lang siya.

I can't go near him. He's always saying that he don't believe that I'm his fiance. What hurts me the most is he's pushing me away.

Pero okay lang, kaya ko naman tiisin. Kung kailangang bumalik kami sa umpisa, gagawin ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng tumayo ito. Agad rin akong tumayo para alalayan siya pero nagulat ako ng hawiin niya 'ko at masamang tinignan.

"I said that I can! Ba't ba nandito ka pa? Sabing hindi kita kilala!" He exclaimed.

Napaatras ako at napayuko dahil umaamba nanaman ang luha sa aking mata. May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa mga narinig.

"S-Sige a-ano.. lalabas nalang muna 'ko. H-Hintayin ko si Darsen.." nakayuko kong saad rito. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil agad akong tumalikod para lumabas.

Bago ko pa maisarado ang pinto ay narinig ko ang huli niyang sinabi. "Good then,"

I inhaled deeply. "I-I should understand.." tumango-tango ako at alanganing ngumiti. "Y-Yeah, I should.."

Umupo ako sa harapan ng room niya at tahimik na yumuko. Medyo masakit talaga ang ulo ko simula pa kahapon pero hindi ko naman makapagtuunan ng pansin dahil kay Lorcan.

Natanaw ko si Darsen pero nagtaka ako ng mapansing sa kabilang hallway siya galing. I shrugged it off and look at the bag and  plastic he is holding. His forehead creased when he saw me but it immediately faded and smiled at me.

"Why are you here? Tara sa loob, I bought foods for us.." hinawakan nito ang braso ko at hinila papalapit sa pinto.

Medyo nag-aalangan pa 'kong pumasok dahil baka magalit nanaman si Lorcan pero wala akong nagawa kundi sumunod. Alam kong magagalit si Darsen kapag nagpaiwan ako rito sa labas.

Nagtagpo agad ang mata naming dalawa. Kasalukuyan siyang kumakain ng apple na nasa gilid ng kaniyang kama.

He removed his gaze at me and turned it to Darsen. "Ang tagal mo," seryosong saad niya.

Ngumiti lamang si Darsen sa kaniya. "Why? Nandito naman si Coleen para samahan ka.."

Inilatag ni Darsen ang folding table sa gilid at inilagay 'yon sa gitna. He motioned me to sit so I did. Hinanda niya ang mga dala niyang pagkain bago umupo sa tabi ko. Nasa harapan naman namin si Lorcan na tulad ng dati ko siyang nakilala, kunot ang noo at wala kang mababasang emosyon sa kaniyang mukha.

I Own ThemWhere stories live. Discover now